^

PSN Showbiz

Dingdong binubuyo si Marian na mag-attend sa Asian TV Awards PIK

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kinukumbinsi ni Dingdong Dantes si Marian Rivera na dumalo sa Asian Television Awards bilang nominated ang Kapuso Primetime Queen sa ka­tegoryang best actress in a leading role.

Sabi kasi ni Marian, hintayin lang niya ang payo ng mga GMA 7 executive kung dadalo ito sa           Singapore.

­ Pero sabi ni Dingdong, iba ang experience pag dumalo sa ganung awarding na kung saan napansin ang talent ng mga Pinoy.

Kahit daw ’di palarin, okay lang na dumalo dahil malaking karangalan daw iyon ay napansin ng Asian TV Awards, at proud na proud si Dingdong sa kanyang kasintahan.

PAK: Kitang-kita sa mukha ni Mystica ang saya nang dinalaw ito ng Startalk sa kanyang farm sa Nueva Vizcaya. Doon na siya naninirahan kasama ang bagets na napangasawa niyang si Kid Lopez.

Hindi nga namin akalaing magiging masaya ang pagsasama nina Mystica at Kid dahil parang napilitan lang ang huli na pakasalan ang naturang singer.

Pero sabi ni Mystica, tahimik na ang buhay nila roon na ekta-ektaryang bukid ang tinamnan nila ng mga gulay at mga prutas.

Sabi ni Mystica, mas masaya siya ngayon dahil mas tahimik na at malayo sa intriga.

Pero minsan ay nahihirapan din ang bagets na dyowa niya at naiisip daw nitong parang type na lang daw bumalik sa pagsasayaw sa Maynila.

Pero mahal daw nito si Mystica kaya hindi niya maiwan-iwan.

BOOM: Successful ang ginawang pa-auction ng Startalk sa mga nai-donate na mga gamit ng mga kilalang Kapuso star.

Pero bongga ang nai-donate ng abogado ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdie Topacio na nag-donate ng Rolex watch niya at marami ang nagkainteres na bilhin ito kaya malaki ang inabot sa bidding.

Nilinaw na rin ni Atty. Topacio sa amin ang intrigang humingi raw ng tulong sa kanya si Nora Aunor para may pambayad ito sa inuupahan niyang bahay.

Hindi na idinetalye ni Atty. Topacio kung paano nangyari pero inamin nga niyang tinulungan nila ang Superstar.

 â€œAlam n’yo naman may lawyer-client relationship kami at hindi ko puwedeng ibigay ang mga detalye. But rest assured that we are helping Ms. Nora Aunor in the best way that we can upang maresolba ang kanyang mga problema,” pahayag ng kilalang abogado.

Tuloy pa rin ang pagtulong nila sa mga legal problem ni Nora pero hindi pa niya masabi kung tuloy ba ang pagsampa ng kaso sa beauty clinic na nag-opera sa  aktres.

                                                                       

 

vuukle comment

ASIAN TELEVISION AWARDS

CLAUDINE BARRETTO

DINGDONG DANTES

FERDIE TOPACIO

KAPUSO PRIMETIME QUEEN

MYSTICA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with