^

PSN Showbiz

Sa sobrang tiwala Bea takot lokohin si Zanjoe

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magta-tatlong taon na ring magkarelasyon sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo pero kamakailan ay pumutok ang balitang nagkakalabuan na raw kaya nag-cool off ang dalawa.

“Hindi kami nag-cool off. Siguro akala lang nila because mayroong two months while I was doing She’s the One, halos hindi kami nagkikita,” paglilinaw ni Bea. “Ngayon na-realize ko, mas nag-work siya for both of us. Parang ngayon mas sweet kami sa isa’t isa kasi na-miss niya ako.”

Masayang-masaya raw ang relasyon ng magkasintahan dahil naiintindihan nila ang bawat isa kaya nagkakasundo sila.

“Lagi ko ngang sinasabi na kung secure naman kayo sa relasyon n’yo, walang selosan. He trusts me enough na alam niya na hindi ko siya lolokohin and ako rin gano’n sa kanya,” paliwanag ng dalaga.

Sambit naman ni Zanjoe, “Natanggap na namin na kailangan natin magtrabaho. Anong gusto nating gawin? Huwag ng magtrabaho ’tapos mag-enjoy? Hindi naman puwedeng gano’n. Darating din naman ’yung punto na magbe-break ka nang matagal. So do’n naman ’yung time na puwede siguro i-enjoy ang isa’t isa.”

Daniel naniniwala sa pamahiin

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawa ng isang horror film si Daniel Padilla. Makakatambal ng aktor si Kathryn Bernardo sa pelikulang Pagpag ng Star Cinema at Regal Entertainment, Inc. at isa ito sa mga kalahok para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. Nagpapasalamat si Daniel sa tiwalang ibinibigay ng ABS-CBN management at sa suportang ipinagkakaloob ng kanilang mga tagahanga ni Kathryn.

“Gagawin namin ang lahat para mas mapaganda pa ’yung mga show namin at mas marami pang tao ang mapasaya,” bungad ni Daniel.

Kakaiba raw ang ginawa nila ni Kathryn sa nasabing proyekto kumpara sa mga nagawa nila noon.

“Maaksiyon kami, medyo maaksiyon kami ni Kathryn dito eh. Hindi naman sobrang maaksiyon, sakto lang,” nakangiting pahayag ng binata.

Naniniwala raw si Daniel sa pamahiing pagpa-pagpag sa tuwing bumibisita sa isang lamay ng patay.

“Oo kasi wala namang mawawala kung maniniwala ka ’di ba? So maniwala ka na lang,” giit ni Daniel.

Samantala, ayon sa direktor ng pelikula na si Frasco Mortiz ay sigurado raw na papatok sa mga manonood ang Pagpag.

“For the longest time, ngayon lang gumawa ang Star Cinema ng teen barkada movie ulit na medyo may horror. ’Tapos may mga mananakot, may suspense, may kaunting comedy, siyempre may kilig between Kathryn and Daniel. Nag-iisa pa siyang horror movie, so, feeling ko dapat hindi nila ma-miss,” naka­ngiting pahayag ni Direk Frasco.

Makakasama rin nina Daniel at Kathryn sa pelikula sina Miles Ocampo, CJ Navato, Michelle Vito, at Dominic Roque. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                   

vuukle comment

BEA ALONZO

DANIEL

DANIEL PADILLA

DIREK FRASCO

DOMINIC ROQUE

FRASCO MORTIZ

KATHRYN

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with