^

PSN Showbiz

Mabait daw: Aiai pinagtanggol sa mga anak ang nakuhang bagong lalaki!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin, muling mapapanood ang love team nina Alden Richards at Louise delos Reyes sa One Day Isang Araw sa Sabado pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

May magic pa rin talaga ang love team nina Alden at Louise kaya sila pa rin ang gusto ng fans na magsama sa isang drama series.

PAK : Aliw ang palitan ng mensahe sa Instagram ng mag-iinang AiAi delas Alas, Sancho, at Sophia na nag-react sa ipinost ng una.

Nakakaintriga kasi ang caption sa isang post ng komedyana sa Instagram account nito :  “Thank you for taking care of me even for a short while…good morning.”

Kaagad nag-react ang bunsong anak ni AiAi na si Sophia na nasa Amerika :“Hmm..what’s this about? LOL ikaw Ma ha. Remember your daughter’s following you on Instagram.”

Sagot ni AiAi; “Hahahaha! Baby girl friend ko lang to…chill hahaha! Labyu”

Sumali ang panganay na anak na si Sancho Vito na natawa sa reaksiyon ng kapatid.

Kaya nag-message uli si AiAi : “Kaloka hahaha! BF agad. ‘Di ba puwede may mabait na lalaki kagaya mo Sanch hehehe (in fairness meron pala kahit papano) hahaha shill lang kayo wala to! Hahaha!”

Sumagot uli si Sancho : “Meron naman talaga nun ma! Kung ‘yun ‘yung magpapagaling sa ‘yo agad-agad #pushnatinyan haha #mahigpityungbunsomoma hahaha!”

Proud naman si AiAi sa mga anak niya na talagang nakikita ang sobrang concern nila sa kanilang ina.

Ang nali-link ngayon kay AiAi ay dating karelasyon ni Angel Aquino na si Lui Villaruz. Pero wala raw ‘yun sabi ng Comedy Concert/Box-office Queen. Na-link din siya sa isang badminton player na bagets din.

BOOM : Totoo kayang gagawin ni Sen. Bong Revilla ang remake ng Nardong Putik?

Balak niya kasing gumawa ng pelikula para sa susunod na taon.

Sa kabila ng mga pinagdaanan nila ngayon, gusto ni Sen. Bong na maging active pa rin sa showbiz para meron pa silang napu-produce at nang makatulong at makadagdag trabaho sa mga taga-movie industry.

In fairness sa kanilang mag-asawa, patuloy pa rin silang nagpaparating ng tulong. Kaya sunud-sunod ang trabahong gagawin ni Lani Mercado sa GMA 7 para hindi naman umuwing luhaan ang mga taong lumalapit sa kanila.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANGEL AQUINO

BONG REVILLA

COMEDY CONCERT

INSTAGRAM

KAYA

LANI MERCADO

LUI VILLARUZ

MUNDO MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with