^

PSN Showbiz

Ogie gustong gumimik para mag-rate ang show nila ni Sharon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Umaasa si Ogie Alcasid na gaya sa last Sunday episode na binigyan nila ng tribute si Rey Valera at mga composition nito na umani ng good feedback, ganun din ang mangyayari sa episode mamaya at mga susunod pa sa programa nilang The Mega and the Songwriter ang mapapanood, 9:00 p.m. sa TV5.

Aminado si Ogie na nasa first step palang ang show nila ni Sharon at ang first step na ’yun ay crea­ting awareness sa viewers. Encouraging ang nakukuha nilang reaction at nagti-trending ang show, ang gagawin na lang nila ay paano mata-translate sa ra­tings ang pagti-trending ng show.

May naisip si Ogie para mas magustuhan ng viewers ang show nila ni Mega, gusto niyang mag-costume at gayahin ang singer na bibigyan nila ng tribute kung papayag si Sharon. Ipinarating namin kay Mega ang idea at payag na payag ito lalo na’t balak ni Ogie na gayahin ang ayos at pagkanta ni Yoyoy Villame.

Tinanong namin ang singer-composer-comedian kundi ba sila napi-pressure ni Sharon dahil parang silang dalawa na ang flag bearer ng TV5. Parang sa kanila nakasalalay na tuluyan nang makahabol ang TV5 sa two major networks pagdating sa ratings.

“Hindi naman. Walang pressure because we live for that challenge. Working with Sharon ang sarap ng feeling at kahit ano pa ang sabihin, Sharon Cuneta ‘yan. Hindi ko ini-imagine na makakasama ko siya sa isang show, dati naggi-guest lang ako sa concert niya, nagti-text lang kami, but working with her hindi ko naisip, pero nangyari rito sa TV5 and I’m happy and grateful,” ani Ogie.

Nang mag-renew ng kontrata sa GMA Network si Regine Velasquez-Alcasid, nabanggit na baka gumawa ito ng musical show, ano ang kanyang reaction?

Sagot ni Ogie, “Hindi ko pa alam ’yan pero dapat lang dahil Regine is Regine. Sa ngayon, gusto ko siya sa Sarap Diva, gusto ko siya roon at gusto ko ang term na ‘wala lang.’ Bagay sa kanya ang show. I’m very proud of my wife.”

Nora may gagawing pasabog

Aabangan namin si Nora Aunor sa premiere night ng Sapi sa Tuesday dahil may tsikang darating ang Superstar bilang suporta kay Direk Brillante “Dante” Mendoza, director ng horror movie na showing sa Nov. 6. Naging magkaibigan ang dalawa mula nang idirehe ang aktres sa Thy Womb.

Ang balita pa nga, may inihahandang bagong project si Direk Dante para sa Superstar. Wala pa mang formal announcement tungkol dito, natutuwa na ang Noranians.

May isa pang isyu kay Guy na tiyak interesado ang media na makuha ang kanyang reaction. Matutuwa ang Noranians kung totoo ang balita at siguradong marami rin ang magrereklamo.

Dyan confident sa panalo ni Pacman

Binabasa namin ang Eat to Get Lean 7-Day Plan (breakfast, lunch, snacks, dinner) na kasama sa promo kit na ipinamigay sa presscon/launching ng website ni Dyan Castillejo na dyancastillejo.com at parang hindi namin kaya. Snacks lang at after dinner dessert lang ang kaya namin. Hahaha!

To learn about healthy eating habit, exercise, healthier life style, visit her website at ang dami-daming malalaman. Sa presscon, nag-demo pa si Dyan ng 10-minute exercise na kayang gawin kahit nasa restroom ka o kahit nakaupo lang.

Mas naging masaya dahil kasama ni Dyan ang anak na si Matthew na may special section sa website called Matthew’s Corner. 

Na-announce ni Dyan sa presscon na pupunta siya sa Moscow, Russia para manood ng Miss Universe.

Naniniwala rin si Dyan na mananalo si Rep. Manny Pacquiao sa laban nito sa Nov. 23 kay Brandon Rios na gaganapin sa Macau. Grabe raw ang training ni Pacquiao for the said fight.

Male rape victim magsasalita

Intriguing ang topic sa Best Men, mapapanood bukas, 10:30 p.m., sa GMA News TV dahil mai-interview ni Jun Veneracion si “Lance,” biktima ng male rape sa kamay ng isang foreigner.

Maraming hindi naniniwala na may ganitong krimen pero si Lance ang magpapatunay na nangyayari dahil biktima siya.

Si Mr. Manhunt International 2012 Jun Macasaet naman ang na-interview ni RJ Ledesma. Agree ba sina RJ at Jun na male prostitution ang male beauty contest?

vuukle comment

BEST MEN

BRANDON RIOS

DAY PLAN

DIREK BRILLANTE

DIREK DANTE

DYAN

DYAN CASTILLEJO

LANG

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with