^

PSN Showbiz

Ayaw matulad kay Wally Michael V. takot sa mga seksing malalaki ang boobs!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa Nov. 16 na magsisimula ang Killer Karaoke, Pinoy Naman na iho-host ni Michael V. sa TV5.

Kaya hindi pumipirma si Bitoy ng exclusive contract sa kahit na anong TV network ay dahil ayaw niyang mapilitan siyang gawin ang isang programang hindi niya gusto.

Itong Killer Karaoke ang isa sa mga gusto niyang gawin dahil hindi siya takot sa kahit na anong challenge.

 Isa lang daw ang takot siya — mga seksing babae na malalaki ang boobs. Pero maingat siya at wala siyang balak patulan dahil mas pinanga­ngalagaan niya ang kanyang pamilya at career.

“Kasi isang mali mo lang, isang video lang o picture, sira ka na agad eh. Mahirap na,” sabi nito.

Napunta tuloy kay Wally Bayola ang usapan at sinasabi naman niyang darating ang araw ay matatanggap na uli ng publiko si Wally at makakabalik din ito sa trabaho.

“I’m pretty sure merong nakahanda ang Eat Bulaga for him and ako ipinagdasal ko na sana makabalik na siya sa industriya kasi if you close your eyes to that incident, kasi ang daming napapaligaya ni Wally eh, parang na-deprive mo lahat ng tao sa kakayanan ni Wally just because of that?” pahayag ng writer/comedian.

PAK: Nagsampa na ng reklamo ang taxi driver na si Salvador Ogdiman laban kay Mark Herras sa Station 10 ng Quezon City.

Ito ’yung nangyaring gulo nung nakaraang Sabado na nabalita rito na nasapak pa pala itong taxi driver ng isa sa mga kasama ni Mark.

Nakahanda naman ang actor-dancer na harapin ang reklamo ng driver kung sakali para lumabas lang kung sino sa kanilang nagsasabi ng totoo.

Napuno na raw kasi si Mark sa kasusunod sa kanila nitong driver na parang gusto talagang magkagulo.

Pero humingi na rin ng sorry si Mark sa taxi driver na iyon dahil sa pagkasapak sa kanya ng isa sa mga kasama nito.

Wala siyang balak na magsampa rin ng reklamo dahil mas gusto na lang niyang mapag-usapan na lang ito ng maayos. Hindi naman siya ang naghahanap ng gulo kundi itong taxi driver na talagang nag-provoke sa kanya para magalit.

BOOM: May binubuong fund-raising concert si Charice kasama si Jeff Tan ng Bellhaus na pinamagatang One Voice para sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol.           

Malapit pala kay Charice ang Bohol dahil two weeks daw bago nagkalindol ay nagbakasyon sila roon ng kasintahan niyang si Alyssa Quijano para i-celebrate ang kanilang first anniversary.

Gaganapin ang concert sa Nov. 5 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City at isa sa mga special guest niya ay si Alyssa.

Balak imbitahin ni Charice ang mommy niya at sana raw ay mapagbigyan na siya ngayon.

Inimbita niya ito nung nakaraang Power of Two concert nila ni Aiza Seguerra pero hindi ito sumipot.

Sana raw lumambot na ang puso ng mommy niya at manood ito ng benefit concert na binuo niya.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALYSSA QUIJANO

BOHOL

CHARICE

EAT BULAGA

ITONG KILLER KARAOKE

JEFF TAN

KILLER KARAOKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with