^

PSN Showbiz

Direk Brillante kinabiliban ang bagong obra sa Hawaii

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Inamin ni Dennis Trillo na kabado siya nang unang tanggapin ang proyektong Sapi dahil first time niyang makakatrabaho si Direk Brillante Mendoza. 

‘‘Nataranta ako kay Direk Brilliante dahil wala siyang script. Hindi agad ako naka-deliver sa first shooting day at pakiramdam ko ay tatanga-tanga ako,’’ aniya.

Pero sa dakong huli ay nakapag-adjust naman ito dahil malinaw naman ang instruction ni Direk kaya realistikong nagampanan ang karakter ng isang journalist na malayo sa karakter na beki sa My Husband’s Lover.

Isang award-winning actor si Dennis, singer at fashion model. Hinangaan ito ng husto sa film debut niyang Aishete Imasu.

Makatotohanan ang pagganap niya bilang si Eric sa My Husband’s Lover ng GMA Network kung saan umani siya ng papuri mula sa mga kritiko.

Dumalo sa Hawaiian Film Festival si Direk Brilliante Mendoza. Itinutu­ring ng world critics na isang tunay na henyo ang director.

Ayon pa sa mga kritiko, ang kanyang mga pelikula ay naglalarawan ng mga social realities at buhay ng mga ordinaryong mamamayan sa ‘di pangkaraniwang sitwasyon.

Ngayong taon maraming magaganda at de kalidad na pelikula mula sa Pilipinas ang pinanood kung saan kabilang ang mga obra ni Direk Brilliante gaya ng Thy Womb at iba pa.

Palabas na ang kanyang pelikulang Sapi ngayong Nobyembre 6, 2013 mula sa Centerstage Productions at iri-release ng Solar Films.

 

vuukle comment

AISHETE IMASU

CENTERSTAGE PRODUCTIONS

DENNIS TRILLO

DIREK BRILLANTE MENDOZA

DIREK BRILLIANTE

DIREK BRILLIANTE MENDOZA

HAWAIIAN FILM FESTIVAL

MY HUSBAND

SAPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with