^

PSN Showbiz

Mo Twister ipinagkalat na namatay na raw

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumalat kahapon ang balitang namatay daw si Mo Twister dahil sa aksidente.

Eh kaso madali ring namatay ang isyu dahil hindi naman totoo at isang ma­laking eklay lang.

Ang hinanap kahapon ng mga nakabalita ay kung sino ang nagkalat noon.

May duda naman sila kung sino.

Edu sasabay sa paseksihan kay Ellen

Ngayong Sabado, seksi-seksihan ang peg ni Edu Manzano, host ng pina­kabagong late-night comedy talk, What’s Up, Doods?, ng TV5, dahil ang isa sa makakaharap niya ay ang nymphet na si Ellen Adarna.

Puro candid ang questions na ibabato ni Edu kay Ellen kaya dapat aba­ngan kung gaano ka-intriguing ang mga ito, lalo pa’t kila­lang palaban ang sex kitten on at off screen.

Bukod kay Ellen, makakasama rin ni Edu bilang guests ang UAAP Wo­m­en’s Volleyball sensations na sina Melissa Gohing, Michelle Gumabao, Rachel Ann Daquis, ang prosthetics expert na si Jen Delica at si Roy Torrentira, isang abogadong may nakaka-inspire na rags to riches story.

Siyempre, hindi pa rin mawawala ang kwelang segments ng What’s Up, Doods? gaya ng Praisebook at Bwitter, maging ang iba pang pasabog na portions na sa nasabing programa lang napapanood.

Kaya abangan ang lahat ng ‘yan sa What’s Up, Doods? ng Kapatid network sa bago nitong timeslot, alas-diyes y medya, mamayang gabi.

Kapamilya stars, magpapasalamat ngayong pasko

Ang iba’t ibang kwento ng mga Pilipino ang inspirasyon ng ABS-CBN kaya naman ngayong Kapaskuhan ipaparamdam sa kanila ng network ang kanilang kahalagahan.

Magbibigay saya at pasasalamat ngayong Pasko sa naiibang paraan ang ilan sa pinakamalaking ABS-CBN stars dahil personal nilang sosorpresahin ang piling mga Kapamilya sa iba’t ibang panig ng mundo na nakagpabigay ng inspirasyon sa kanila sa Mga Kwento ng Pasko webisodes na ekslusibong mapapanood online sa http://pasko.abs-cbn.com simula (Oct 25)

Tunghayan sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Sam Milby, Gerald Anderson, Enrique Gil, Kim Chiu, Xian Lim, at Judy Ann Santos at alamin kung paano nila sinorpresa at binigyang halaga ang mga kapwa Pilipino sa kanilang mun­ting paraan.

Aktwal na nakunan sa kamera ang mga nakakakurot-pusong mga tagpo na personal na pinag-isipan at pinaglaanan ng oras ng nasabing mga artista.

May isang pamilya na matitikman ang tamis at sarap ng pagsasalo-salo sa Kapaskuhan sa unang pagkakataon, may mga magulang na ma­papawi ang pangungulila sa pamilya, may mag-asawang pag­titiba­yin ang sinumpaang pag­­ma­­mahalan, at may amang ma­ka­katanggap ng pinakamagandang re­galo ngayong Pasko.

Unang natunghayan ka­hapon ang kwento ng Pasko ni Judy Ann sa kanyang pagsorpre­sa sa kaba­bai­han ng Women’s Crisis Center at kwento ng Pasko nina Kim at Xian na bumalik sa pamilyang minsan nang tinuluyan ni Kim nang ito ay lumahok sa reality show na I Dare You dalawang taon na ang nakakalipas.

Ano ang magiging reaksyon n kababaihang naging biktima ng pang-aabuso kung ang bubungad sa kanila ay ang nag-iisang Reyna ng Pinoy Soap Opera? Paano tatanggapin si Kim ng mga taong itinuring niyang nanay, tatay, at mga kapatid sa loob ng maikling panahon? Ano ang sorpresang inihanda nina Juday, Kim at Xian para sa kanila?

Ang naturang Mga Kwento ng Pasko ay bahagi ng inaabangang Christmas Station ID ng ABS-CBN para sa taong ito na ilulunsad sa darating na Nov 6. Ito ang unang pagkakataong may kaakibat na webisodes ang SID ng network.

vuukle comment

ANO

CHRISTMAS STATION

CRISIS CENTER

DOODS

EDU

MGA KWENTO

PASKO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with