^

PSN Showbiz

Amang si Willie Revillame ayaw magbigay Meryll Soriano hindi nakaalis, wala nang perang pang-tuition sa London

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa napapanood ni Meryll Soriano ang Sapi, pero may nagsabi na sa kanyang nakakatakot ang movie nilang showing sa November 6, kaya maghanda na siyang magulat. Hindi niya alam ang ending ng karakter niyang si Meryll Flores at ng ibang kasama dahil sa premiere night sa Nov. 5, pa lang niya mapapanood ang pelikula.

Nahirapan si Meryll sa role ng isang TV producer at lalong nagpahirap na wala silang script at sa shooting na lang sinasabi ni Direk Brillante Mendoza ang vision sa movie at feeling niya, nagawa niya ang gusto ni Direk Dante.

Samantala, walang komunikasyon si Meryll at amang si Willie Revillame at last time silang nagkita sa opening ng mall na pag-aari ng ama. Wala raw silang tampuhan at kung meron man, tampuhang kulangot lang. Hindi sila magkaintindihan dahil gusto pala ni Willie, siya na ang mag-asikaso ng business nito, gusto naman ni Meryll na matapos muna ang Product Design course sa isang school sa London.

“I have to work hard for my education and not depend on anybody. I understand where he comes from, unfortunately, we’re not on the same length. I told him after I graduate I come home and work for him, I want to finish school ‘yun ang priority ko, gusto ni Papa ngayon na. I’m willing to compromise, pero wala,” sabi ni Meryll.

Dapat bumalik na sa London si Meryll last September, para ipagpatuloy ang pag-aaral, pero hindi siya nakaalis. Magtatrabaho na muna siya para sa studies niya at para sa anak dahil wala siyang natatanggap na suporta from her dad at sa ama ng six-year-old son.

Aljur maligaya sa piling ni Kylie, hindi Nakiuso sa hiwalayan

Itinanggi ni Aljur Abrenica na kasama sila ni Kylie Padilla sa showbiz couple na break na. Twice nitong sinabing “It’s not true, we’re happy” nang tanungin sa tsikang sumabay sila sa usong hiwalayan sa showbiz.

Wala raw gusot sa relasyon nila kahit tila may namumuong gusot sa AlKris fans nila ni Kris Bernal at fans nila ni Kylie sa November 7, sa Come and Get Me concert ni Aljur sa Music Museum.

Medyo natakot si Kris sa tsikang naghahamunan ang mga fans nila ni Aljur at fans nina Aljur at Kylie. Magdu-duet pa naman sila ni Aljur ng Ikaw Lang at Ako na theme song ng Prinsesa ng Buhay Ko. Kilig daw ang gagawin nilang dalawa na ikatutuwa ng kanilang fans, pero hindi ng kabilang fans.

Anyway, kahit may intriga, masaya pareho sina Aljur at Kris sa mahabang takbo ng kanilang Prinsesa ng Buhay Ko. Sa January 10, 2014 pa ang last airing nito, kundi mai-extend kaya matagal pa silang magkakatrabaho. Gusto ng viewers ang tema ng show na very light at slight lang ang drama, stress reliever ito ng viewers.

Cameraman sinapian!

Nakasulat sa poster ng Sapi ang international film festivals na napuntahan na ng movie gaya ng Busan Intl. Film Festival ng Korea, Sitgers Int’l Film Festival ng Spain, Rio de Janeiro Int’l Film Festival at Toronto Int’l Film Festival.

Next week, dadalhin ni Direk Brillante Mendoza ang movie sa Taiwan, Brisbane, at Switzerland. Hanggang next year ang pag-ikot ng movie sa different film festivals sa ibang bansa.

Eleven days kinunan ni Direk Dante ang movie at sa shooting, lagi silang may dalang rosary, asin at lahat ng sinasabing pangontra para walang masapian sa cast at crew. Handa sila spiritually, pero may nangyari pa ring kakaiba sa kanya, sa writer niya at sa cameraman.

Kuwento ng director, habang kinukunan nila ang isang case study, natatawa ang cameraman niya. Later on, dinala sa ospital ang cameraman nagsisisigaw at ipinagamot nila sa albularyo. Kung ano ang ginawa sa kinunan nilang na-posses, ginawa rin sa cameraman.

Hindi lang tungkol sa sapi ang tema ng movie, pati rin ang nagagawa ng network wars at ratings. Makaka-indentify ang media practioners lalo na mga nagtatrabaho sa TV sa Sapi, kaya manood.

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BUHAY KO

BUSAN INTL

DIREK BRILLANTE MENDOZA

DIREK DANTE

FILM FESTIVAL

MERYLL

SAPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with