^

PSN Showbiz

Bahay na disenyo ng national artist inaalagaan ni Tessie Tomas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngayong Martes sa Powerhouse, samahan ang multi-awarded journalist na si Kara David na silipin ang bahay at buhay ng aktres at komedyana na si Tessie Tomas.

Ang architect ng bahay ni Tessie ay isang national artist lang naman! Inalagaan ng aktres ang kanyang lumang tahanan bilang pagpapahalaga na rin sa gawa ng national artist na si Pablo Antonio. Ilan lang sa mga gawa ni Antonio ay ang Manila Polo Club at Far Eastern University.  Maaliwalas ang buong bahay dahil sa malalaking bintana at pinto nito. Tagusan din ang hangin mula sa harap ng bahay papuntang waterfalls sa likod.

Kilala si Tessie Tomas bilang isang batikang artista. Hindi pa man pumapasok sa showbiz, likas na komedyana na si Tessie. Bata pa lang, kinakitaan na siya ng galing sa pagpapatawa at hindi niya akalain na ito pala ang magiging buhay niya sa hinaharap. Habang rumaraket bilang stand-up comedienne noon, full-time naman siyang nagtatrabaho bilang isang executive  sa isang advertising company.

Kinalaunan, nagdesisyon siyang ipagpatuloy ang karera sa pagpapatawa. Siya rin mismo ang sumusulat ng sarili niyang piyesa. Kabilang sa mga palabas niya ay ang Meldita na tumatalakay sa tagumpay at pagkabigo ng dating first lady Imelda Marcos.

Ang kanyang galing at matalinong paggaya sa mga sikat at kontrobersyal na personalidad ay nagbukas  ng mas malawak na oportunidad sa kanya sa showbiz. Pati sa pagsusulat ng mga seryosong materyal ay pinasok niya rin.

Ang pelikulang Separada na pinagbidahan ni Maricel Soriano ay isinulat pala ni Tessie base sa kanyang pinagdaanan noon.

Sa gitna ng matinding kumpetisyon nga­yon sa industriya, masaya si Tessie na napapanood pa rin siya sa TV.  Siya ay exclusive artist ngayon ng GMA Network at mapapanood sa GMA primetime soap na Kahit Nasaan Ka Man.

Sa ngayon, masaya si Tessie sa piling ng asawang si Roger Pullins, isang British Marine Biologist na kasama niya sa buhay sa halos dalawampungtaon na. Ang kanyang anak naman na si Robin, matagumpay na fashion designer at naka-base ngayon sa New York .

Isang kuwela at masayang kwentuhan ang hindi dapat pa­lam­pasin ngayong Martes sa Powerhouse, ika-walo ng gabi sa GMA News TV.

vuukle comment

BRITISH MARINE BIOLOGIST

FAR EASTERN UNIVERSITY

IMELDA MARCOS

KAHIT NASAAN KA MAN

KARA DAVID

MANILA POLO CLUB

MARICEL SORIANO

TESSIE

TESSIE TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with