^

PSN Showbiz

Amy mabigat ang bintang sa dating mga katrabaho!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ramdam na ramdam na ang pagbabalik ni Amy Perez sa ABS-CBN dahil sa mga guesting niya sa mga programa ng Channel 2.

Nakipag-meeting na sina Amy at Roderick Paulate sa staff ng kanilang upcoming show sa ABS-CBN. Excited na ang dalawa sa pagsisimula ng game show nila.

Nagsasalita na si Amy tungkol sa tunay na dahilan ng pag-alis niya sa TV5. Naging biktima pala siya ng mga intriga at ang nakakaloka, ang mga dating kasamahan niya sa Face to Face ang diumano’y source.

Mabigat ang mga akusasyon sa staff ng Face to Face. Sasagutin kaya nila ang mga pasabog ni Amy o dedma na lang sila para hindi na lumaki ang kontrobersiya?

Maxene lalong kinaiimbiyernahan

Kontrabidang-kontrabida pa rin si Maxene Magalona sa mga eksena niya sa Mga Basang Sisiw. Walang ginawa si Maxene kundi ang magtaray, tumalak, at magalit kaya kinaiiritahan siya ng televiewers.

Ang ibig sabihin, effective si Maxene sa papel na ginagampanan niya sa Mga Basang Sisiw. Imbiyernang-imbiyerna kay Maxene ang mga tao na nakakasalamuha niya, kahit alam nila na hindi naman talaga siya kontrabida sa tunay na buhay.

Sarah nangangarap na ring magkapamilya

Seductive ang face ni Sarah Geronimo sa poster ng Perfect 10 na nakita ko. Ang Perfect 10 ang title ng 10th anniversary concert ni Sarah na magaganap sa Smart Araneta Coliseum sa Nov. 15 at sa MOA sa November 30.

Natawa si Sarah nang punahin ng press ang kanyang seductive pose sa poster ng Perfect 10. Nabigla naman ang mga reporter sa dialogue ni Sarah na sana ay may pamilya na siya sa edad na 35.

Hindi inaasahan ng mga reporter na magsasalita nang gano’n si Sarah na nagbibiro lang pero walang masama kung mag-ambisyon na magkaroon ng asawa at anak kapag 35 years old na siya.

Siguro naman, papayagan na siya ni Divine na lumagay sa tahimik sa ganoong edad dahil kung hindi, baka tuluyan nang maiwan ng biyahe ang kanyang anak.

Tom at Joey magkasundo sa kantahan

Malamang na nakararanas na ng sleepless nights si Joey Paras dahil bukas na ang judgment day sa Bekikang: Ang Nanay Kong Beki, ang kanyang launching movie.

Nakasalalay kay Joey ang success ng Bekikang dahil siya at ang kanyang acting talent ang ibinebenta ng pelikula.

Ang Bekikang ang katuparan ng pangarap ni Joey na magkaroon ng solo movie. Malaki ang pasasalamat niya sa direktor na si Wenn Deramas dahil ito ang naging fairy godmother niya.

Malaking-malaki ang tiwala ni Wenn kay Joey. Highly recommended niya na panahon na para maging bida sa isang pelikula ang kanyang protégé. Malalaman natin bukas kung hindi nagkamali ang paniniwala ni Wenn na hinog na si Joey para sa stardom.

Si Tom Rodriguez ang love interest ni Joey sa Bekikang. Sumikat ng husto si Tom dahil sa role nito sa My Husband’s Lover.

Ang Bekikang ang unang pelikula ni Tom pagkatapos ng My Husband’s Lover. Bukas din malalaman kung susuportahan ng fans ng My Husband’s Lover ang Bekikang dahil kasali nga sa cast si Tom na bilib na bilib din sa acting talent ni Joey.

Parehong mahilig kumanta sina Tom at Joey. Member si Joey ng isang banda na madalas na rumaraket sa ibang bansa at dating kasali si Tom sa boyband na Voiz Boys.

vuukle comment

ANG BEKIKANG

ANG NANAY KONG BEKI

ANG PERFECT

BEKIKANG

JOEY

MAXENE

MGA BASANG SISIW

MY HUSBAND

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with