^

PSN Showbiz

Sharon at Kiko nagbebenta ng Christmas baskets na organic lettuce and herbs

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Nang-agaw ng eksena kay Megan Young ang mga tao na kasama niya sa float sa motorcade na ginanap noong Biyernes. Kaway nang kaway ang mga personalidad na parang sila ang nanalo ng Miss World 2013 crown.

SCENE : Hit sa televiewers si Megan Younghusband, ang impersonation ni Jon Santos kay Megan Young.

SEEN : Ang Thanksgiving party ng cast at production staff ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ng ABS-CBN sa isang bar/restaurant sa Quezon City noong Biyernes.  Tapos na ang taping nila pero hanggang sa December pa sila sa ere.

SCENE : Mapapanood ang Genesis pagkatapos ng 24 Oras. Ang Genesis ang primetime teleserye ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Inilagay ang Genesis sa timeslot ng Kahit Nasaan Ka Man, ang teleserye nina Julie Ann San Jose at Kristoffer Martin.

SEEN : Minsan Minahal Kita ang working title ng bagong primetime show nina Angel Locsin at Maja Salvador sa ABS-CBN.

Scene : Sasampahan ng kaso ni Senator Bong Revilla, Jr. ang mga whistle-blower na nagsangkot sa kanya sa pork barrel scam. Nangunguna sa idedemanda ni Senator Bong si Benhur Luy, ang whistle-blower na umamin na pineke niya ang pirma ng mga perso­nalidad na isinangkot niya sa pork barrel scandal.

SEEN : Nagbebenta ng Christmas gifts baskets (assorted organic lettuce and herbs, assorted herb cuttings and spices at assorted potted herbs) ang Sweet Spring Country Farm sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan ang may-ari ng Sweet Spring Country Farm.

SCENE : Unfair ang paratang na jinx si Grace Lee dahil hindi nagtatagal sa ere ang mga TV show na sinasalihan niya. Co-host si Grace ng Wowowillie, ang noontime show ng TV5 na nagpaalam kahapon sa ere.

SEEN : Ang Honesto ang bagong teleseryeng inihahanda ng ABS-CBN. Bida rito ang isang bagong tuklas na batang lalake bilang Honesto. Bida rin dito si Paulo Avelino. Si Jerry Sineneng ang direktor ng Honesto.

vuukle comment

ANG GENESIS

ANG HONESTO

ANG THANKSGIVING

ANGEL LOCSIN

BENHUR LUY

BIDA

BIYERNES

MEGAN YOUNG

SWEET SPRING COUNTRY FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with