^

PSN Showbiz

Paulo Avelino may ebidensiya nang i-try magpakamatay?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Siguradong sa presscon ng Status: It’s Complicated ay tatanungin pa rin si Paulo Avelino sa tsikang suicide attempt niya dahil nakitaan daw ng hiwa sa kanyang wrist sa pictorial ng Regal Entertainment movie na showing sa November 6.

Kahit itinanggi na ng manager ni Paulo na si Leo Dominguez ang isyu dahil wala nga namang rason para wakasan ng aktor ang kanyang buhay, gusto pa ring marinig ng press ang isyu sa aktor mismo.

Sa direction ni Chris Martinez, kasama ni Paulo sa movie sina Eugene Domingo, Jake Cuenca, Maja Salvador, at Solenn Heussaff. Napuna na­min sa publicity photos ng cast, agaw pansin si Eugene at hindi yata napansin ng mga kasama ang kanyang pagpapakuwela.

Dennis at Tom madalian ang endorsement sa Bench

Ang mag-Beh na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang latest Bench endorsers at inilabas ng Bench ang photos ng dalawa Friday morning, in time for the One More Try: MHL the Concert mamaya sa Smart Araneta Coliseum. ASAP daw ang launching ng TomDen as the newest Bench endorsers dahil last week lang yata sila nag-pictorial at heto may print ad na.

First endorsement nina Dennis at Tom ang Bench na magkasama sila, kaya tuwang-tuwa ang TomDen fans lalo’t isinabay sa concert at sa release ng kanilang self-titled eight-track album from GMA Records. Sa Big Dome unang mabibili ang album.

After ng MHL, sa movies aabangan ang TomDen dahil magkasunod ang showing ng movies nila. Mauuna ang Sapi na kasama si Dennis sa November 6 at Nov. 13 naman ang Gaydar na isa si Tom sa mga bida. May  celebrity premiere ang Sapi sa Nov. 5 sa SM Megamall sa direction ito ni Brillante Mendoza.

TM pinagtsitsismisan ng mga TC

Minsan sa umpukan ng mga talent coordinator (TC) pinag-uusapan ang problema nila sa isang talent ma­nager (™). Dapat hindi ka magkamali nang pagsasabi ng oras sa pagre-report sa taping ng talents nito dahil ‘pag morning sa halip na afternoon o evening ang nasabi mo, pahihirapan ka na ni TM.

Kapag tumawag uli kay TM para baguhin ang oras, isa­sa­got daw nito hindi na puwede ang kanyang talent  dahil may iba na itong lakad. Ang mga TC ang kawawa sa EP at director kaya katakut-takot na pakiusap ang ginagawa nila sa TM na mukhang nag-i-en­joy na may nai-stress siyang mga tao. ‘Kaloka!

Renz bagong darling of the press

Si Renz Fernandez ang bagong Darling of the Press sa rami ng press na nagmamahal sa kanya. Na-a-appreciate ng press ang effort ni Renz na kilalanin ang bawat makilalang reporter hindi lang sa mukha, pati na mga pangalan at sa b-day party ni Allan Diones, kahit may kadiliman ang venue, nakilala niya at tinawag sa first name ang mga reporter na once or twice pa lang nito nakilala.

Ipinarating namin kay Lorna Tolentino ang magandang ugaling ito ng anak at tuwang-tuwa ang aktres. Sa simula pa lang, ipinaalala na pala nila sa mga anak na kung papasok ng showbiz, mahalin ang press dahil minahal din sila ng mga ito na ginagawa ngayon ni Renz.

Nagpasalamat si LT sa mga nagsasabing mahusay umarte si Renz sa Prinsesa ng Buhay Ko at pagpasensiyahan daw muna kung minsan, sing-song ang delivery nito ng lines. Nagsisikap daw ang anak na husayan pa ang acting, tuloy ang workshop nito at walang reklamo sa mahabang oras ng taping.

Natawa rin kami dahil mabilis na nag-agree si LT na may chemistry sina Renz at Kris Bernal sa Prinsesa ng Buhay Ko . Kahit alam niyang kay Aljur Abrenica mapupunta si Kris in the end, masaya na siya sa anak na nabigyan ng magandang project at role.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALLAN DIONES

BRILLANTE MENDOZA

BUHAY KO

CHRIS MARTINEZ

DAHIL

DARLING OF THE PRESS

RENZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with