^

PSN Showbiz

Female TV host kasumpa-sumpa ang kamalditahan, ayaw ding maputikan ang mga paa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Iniiwasan ng staff ng isang television network ang female TV host na maldita dahil maraming demands.

Ayaw ng TV host na pumupunta sa lugar ng mga mahihirap dahil mapuputikan daw ang kanyang mga paa.
May oras din ang pagtawag sa cell phone niya dahil hindi siya basta puwedeng maabala at kailangan importante talaga ang sa­sabihin ng tao na makikipag-usap sa kanya.

Kalat na kalat na sa network compound ang kamalditahan ng prima donna na TV host. Alam na natin ngayon ang mga dahilan kaya hindi nagtatagal ang kanyang mga TV show. Hate na hate siya ng production staff. Kulang na lang na isumpa-sumpa siya ng mga biktima ng kanyang attitude problem.

Edu nabuking ang nakaraang French BF ni Joey

Pinaligaya uli ni Edu Manzano ang viewers ng What’s Up Doods? sa TV5 noong Sabado dahil siksik na naman ito ng mga pakulo, katatawanan, at intelligent conversation.

Waging-wagi sa televiewers ang segment na Kaya Mo Ba, Doods? kasi ipinamalas ni Papa Edu ang husay niya sa puppetry, gamit ang kanyang mga kamay.

Tinutukan din ang interviews ni Papa Edu kina Joey Paras, Mitch Valdes, at Daiana Menezes.

Aliw na aliw si Joey dahil na-trace ni Edu ang kanyang humble roots mula noong mga panahon na band member pa siya at may Asian tour sa iba’t ibang bansa gaya ng Indonesia.

Nagturo pala ng theatre acting si Joey sa Indonesia at libre ito. Tumugtog at kumanta ang banda ni Joey sa Grand Hyatt Hotel.

Loveless si Joey sa loob ng limang taon hanggang makilala niya ang rich French gay BF na talagang kulang na lang ay pakasalan siya.

Pero hindi nagtagal ang kanilang love affair dahil hindi matanggap ng pamilya ng boyfriend ni Joey ang kabadingan ng kanilang anak.

Mula Indonesia, bumalik si Joey sa Pilipinas at nabigyan ng break sa indie movie na Last Supper #3. Naging support din siya sa TV shows at pelikula nina AiAi delas Alas at Eugene Domingo. Si Joey ang winner ng best supporting actor trophy ng Cinemalaya Independent Film Festival dahil sa mahusay na pagganap niya sa Babagwa.

On his way to stardom si Joey dahil bida na siya sa Bekikang: Ang Nanay Kong Beki ng Viva Films. Ang say ni Joey, inspired ng tunay na kuwento ng buhay ni Wenn Deramas ang istorya ng kanyang launching movie.

Si Wenn ang direktor ng Bekikang at si Tom Rodriguez ang love interest ni Joey sa pelikula na showing sa mga sinehan sa Oct. 23.
Ang ibig sabihin, si Tom ang DJ Durano sa buhay ni Wenn na umamin na 10 years ang itinagal ng kanilang love affair?

Mitch natutong mag-e-mail kung kelan 61 na

Sa edad na 61, bagets looking pa rin si Mitch Valdes kaya marami ang ayaw maniwala na senior citizen na siya. Turning 62 na nga si Mitch sa susunod na buwan ‘no?!

Na-discover ni Papa Edu na ngayon lamang natuto si Mitch na gumamit ng e-mail dahil hindi nito feel na makigulo sa social media tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram.

Sa totoo lang, walang alam si Mitch sa “in” terms ngayon kaya tinuruan pa siya ni Papa Edu. Sa isang iglap, nalaman ni Mitch ang meaning ng acronyms na LMAO (laughing my a** off), MOMOL (make-out, make-out lang), IKR (I know, right), OOTD (outfit of the day), atbp.

Wala sa plano ni Mitch na mag-migrate sa ibang bansa tulad ng mga kasabayan niya sa showbiz. Hangga’t carry niya, mananatili si Mitch sa entertainment industry.

Sa katunayan, may show siya sa Teatrino, Greenhills, sa Oct. 12, ang Wow Pare.

Daiana positive na ang outlook sa buhay

Nagpakita naman ng positive outlook sa buhay si Daiana Menezes nang umapir ito sa What’s Up Doods? show.

Sangkatutak ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Daiana at ng kanyang mister na isang ex-congressman.

Mahilig pala si Daiana na magpinta kaya isinabak siya ni Edu sa “paint my face” portion.

Mall tour ng MHL dinagsa

Dinagsa ng mga tao, I repeat Jiggy Manicad, ng mga tao, ang show kahapon ng cast ng My Husband’s Lover sa isang mall sa Quezon City.
Pinagkaguluhan ng mga tao ang stars ng My Husband’s Lover na mapapanood sa isang major concert sa Smart Araneta Coliseum sa Oct. 12.

Teka, malapit na ang Oct. 12. Hindi ba magkakaroon ng presscon ang GMA 7 para sa big concert ng My Husband’s Lover?       

     

 

 

vuukle comment

DAHIL

DAIANA

JOEY

MITCH

MY HUSBAND

PAPA EDU

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with