^

PSN Showbiz

Pagkatengga ni Janine tinapos na

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi na siguro malulungkot at magtatampo sa GMA ang panganay na anak ng estranged couple na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon na si Janine Gutierrez dahil meron na siyang bagong teleserye na siya mismo ang bilang katambal ni Elmo Magalona kasama sina Raymart Santiago, Sunshine Dizon, at Paolo Contis.

Bukod sa Villa Quintana, si Janine ay napapanood din sa Sunday musical show na Sunday All Stars.

Katrina nakatutok sa suporta sa pamilya kaya malabo pang magpakasal

Sa kabila ng matinding iskandalo at sigalot na si­nu­ong ng sexy actress na si Katrina Halili, na may kinalaman sa sex video scandal nila ni Hayden Kho, Jr., ito’y nalagpasan na ng aktres na ngayon ay nakapag-move on na lalo pa’t isa na siyang ganap na ina ng one-year-old baby na si Katrence (Katie) sa karelasyong balikbayang singer na si Kris Lawrence.

Samantala, marami ang nagtataka kung bakit hang­gang ngayon ay ayaw pa ring magpakasal ni Katrina sa kanyang boyfriend (of five years) consi­dering na meron na silang anak. Inalok na mismo ni Kris ang girlfriend ng kasal pero ang huli ang uma­ayaw. Kakaiba rin ang sit­­wasyon ng dalawa. Se­mi-live-in arrangement lamang sila dahil nasa magkahiwalay na bahay pa rin sila nakatira. Housemate ni Kris ang R&B prince na si Jay-R habang nasa sariling ba­hay naman ni Katrina silang mag-ina ni Katie at mga kasambahay. Pero nag-i-sleepover din si Kris sa bahay ng GF sa tuwing pinupuntahan niya. Kakaiba man ang arrangement ng mag-dyowa, kom­portable sila sa ganoong sitwasyon. Hinihintay lamang talaga ni Kris na maging ready na si Katrina sa kanilang pagpapakasal.

Oo nga pala, hanga kami sa kanyang pagiging masinop sa pera ng aktres. Sa tulong ng kanyang entrepreneur mom na si Malou ay nakabili siya ng 15-hectare property sa El Nido, Palawan na kanyang pina-develop at pinatayuan ng malaking resthouse, ang Residencia Katrina, at ang Pa-lao-yu Dive Resort na pinamamahalaan naman ng older brother ni Katrina na si Lane Halili na isang professional diving instructor.

vuukle comment

DIVE RESORT

EL NIDO

ELMO MAGALONA

HAYDEN KHO

JANINE GUTIERREZ

KAKAIBA

KATIE

KATRINA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with