^

PSN Showbiz

Charice inisnab ng nanay at kapatid sa concert

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Si Pia Magalona sa coronation night ng Miss World 2013. Hindi ipinagsabi ni Pia ang pagpunta niya sa Bali, Indonesia bilang suporta kay Megan Young ngunit dalawang beses siya na natutukan ng TV camera. 

SCENE: Dumami ang kamag-anak ni Megan Young nang mapanalunan niya ang title at korona ng Miss World 2013. 

SEEN: Madaling-araw na nang umere ang Tunay na Buhay at Master Showman dahil sa telecast ng GMA 7 sa Miss World 2013.

SCENE: Pansamantalang nakalimutan ng mga Pilipino ang isyu ng corruption sa pamahalaan dahil sa success ni Megan Young sa Miss World 2013.

SEEN: Sinuportahan ng mga tomboy ang Power of Two, ang concert nina Aiza Seguerra at Charice sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City noong Sabado. 

SCENE: Hindi sinuportahan ng ina at kapatid ni Charice ang concert nila ni Aiza Seguerra.

Hindi pa tanggap ng ina ni Charice ang pakikipagrelasyon ng kanyang anak kay Alyssa Quijano.

SEEN: Nakatanggap ng bulaklak mula kay Aiza Seguerra ang kanyang special friend na si Liza Dino sa last performance nito kahapon sa play na Duchess of Malfi na itinanghal sa Wilfrido Ma. Guerrero Theater, UP Diliman, QC.

SCENE: May acting ang interview kahapon ni Christian Bautista kay Shane Filan, ang lead vocalist ng Westlife na guest kahapon sa Sunday All Stars ng GMA 7. Overacting din si Christian nang mag-abot siya ng bulaklak kay Marian Rivera nang i-promote nito sa Sunday All Stars ang Kung Fu Divas.

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALYSSA QUIJANO

CHARICE

CHRISTIAN BAUTISTA

DUCHESS OF MALFI

GUERRERO THEATER

MEGAN YOUNG

MISS WORLD

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with