^

PSN Showbiz

GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, kinilala ng SKAL

Pilipino Star Ngayon

Tinanggap ni GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon ang ika-23 SKAL Tourism Broadcast Media Personality of the Year Award mula sa Makati Chapter ng SKAL International - isang worldwide association ng mga travel at tourism professionals na nagsusulong ng pandaigdigang turismo at pagkakaibigan.

Ginanap ang awarding sa ika-32 aniberseryo ng pagkakatatag ng SKAL International Makati Chapter noong September 5, 2013 sa Makati City.

Iginawad kay Gozon ang nasabing award bilang pagkilala sa kanyang di matatawarang tagumpay at kontribusyon sa industriya, at sa kanyang kahanga-hangang pamamalakad sa isa sa pinaka-malaking media network sa bansa, ang GMA Network.

Kasama niya sa larawan sina SKAL International-Makati President Mr. Robert Lim Joseph, Jr., Director Farid Shoucair, at Vice-President Jaime Bautista.

Cast ng Tabing Ilog at Ang TV, may reunion

Sa pagdiwang ng mga pinakapaboritong eksenang naganap sa mundo ng Philippine television, uumpisahan ng Jeepney TV ang kanilang campaign na Throwback Everyday sa pamamagitan ng isang grand reunion concert kasama ang mga cast member ng Tabing Ilog at Ang TV na magaganap ngayong Sabado (Setyembre 14) ng 7:00 p.m., na may kasama pang Throwback special na eere ng 5:00 p.m.

Tampok sa Throwback special na ipapalabas bilang pambungad sa grand reunion concert ang mga napiling eksenang nanggaling sa mga pinakasikat na programang dating ipinalabas sa Pinoy TV na ngayon ay umeere na ulit sa Jeepney TV. Pagkatapos nito ay magaganap ang reunion ng cast ng Tabing Ilog at Ang TV, kung saan muling maghahatid ng saya at aliw sina Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, Desiree del Valle, Carlo Aquino, Vandolph, Gio Alvarez, at Roselle Nava. Ang magho-host naman ng event ay ang mga sikat na DJ ng Magic 89.9 na sina DJ Suzy at CJ.

Muli namang mapapakinggan ang original soundtrack ng Tabing Ilog na ihahatid ni Barbie Almalbis. Kasabay rito ang pagtatanghal ng mga throwback hits nina Vince at Jay ng South Border, at Top and Jinky na original members ng Freestyle.

Huwag palampasin ang grand reunion concert ng Jeepney TV sa Eastwood Mall Open Park nga­yong Sabado (Setyembre 14) ng 7:00 p.m., na may Throwback special na ipapalabas ng 5:00 p.m. Ang sikat na barkadaseryeng Tabing Ilog ay magbabalik sa telebisyon sa Jeepney TV sa darating na Linggo (Setyembre 15), na may mga back-to-back episode mula 1:00 p.m. hanggang 3:00 p.m.

vuukle comment

BARBIE ALMALBIS

BARON GEISLER

CARLO AQUINO

DIRECTOR FARID SHOUCAIR

EASTWOOD MALL OPEN PARK

FELIPE L

GIO ALVAREZ

SETYEMBRE

TABING ILOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with