^

PSN Showbiz

Bea at Elmo sabay tsinugi sa billboard, nasolo na ni Daniel

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napansin ko lang sa dalawang malaking billboard sa may area ng Recto-España. Dati nasa isang billboard sina Daniel Padilla kasama si Bea Binene para sa isang clothing line. Sa isang billboard naman na katabi nito, para sa isang junk food, si Elmo Magalona naman ang nakalagay.

Aba pagdaan ko kamakailan, nawala na sina Bea at Elmo sa dalawang malaking billboard. Si Daniel na pareho, solo na niya ang dalawang billboard.

Meaning talagang malakas ang dating ni Daniel. Imagine, sabay nawala ang dalawang Kapuso stars.

Project nina Ogie at Anne magkahawig lang ang title

Hindi naman pala pareho ang title ng serye ni Ogie Alcasid sa TV5 at ng pelikula nila Anne Curtis at Sam Milby sa Viva Films.

Ang serye ni Ogie, The Gift. Habang ang pelikula naman nina Anne at Sam, The Gifted.

Ang aabangan ay kung may pagkakahawig ang kuwento ng dalawang project.

Bagong presidente ng TV5 magpapakilala na

Ipakikilala na formally sa entertainment media si Mr. Noel Lorenzana, ang new president ng TV5. At kasama niya sa pagharap si Ms. Wilma Galvante, ang Chief Entertainment Content Officer na matagal din na­ging executive ng GMA 7.

Max ‘di naiinggit sa korona ni Megan

Wala sa plano ni Max Collins na maging beauty queen. Wala siyang nararamdamang inggit sa second cousin na si Megan Young na kapapanalo lang Ms. World Philippines at representative ng bansa Miss World na gaganapin sa Indonesia na nababalita namang pino-protesta.

Mas gustong umarte ni Max. “I love acting. Baka ma-distract ako,” pahayag ni Max na isa sa mga alaga ng PPL Entertainment.

“Baka kasi mag-iba ’yung career path ko pag sumali ako.

“Acting is my passion. Mas gusto ko po ang acting. I’m here already, I mean, I’m doing what I want already, so, dito na lang po ako,” dagdag niya.

Actually hindi nagkakalayo ang hitsura nila ni Megan. Mas morena lang si Megan pero sa features ng mukha pareho sila kaya nakakahinayang na walang interes si Max. Marami na raw sa kanyang lumapit na nagsasabing puwede siyang i-train para makasali sa pageant, pero always no ang sagot niya.

Pinsan ng mother niya ang mother ni Megan.

Samantala, wala pa siyang regular show uli sa GMA 7 pagkatapos ng Pahiram ng Sandali with Dingdong Dantes and Lorna Tolentino. Pero regular naman siyang umaapir sa Sunday All Star at Bubble Gang. Nag-guest din siya sa With A Smile kamakailan.

Pero kahit wala siyang regular serye, nakagawa naman siya ng indie film na Bamboo Flowers na dinirek ni Maryo delos Reyes. Sa Bohol ito kinunan at kasali sa gaganaping Sining Pambansa National Film Festival All-Masters Edition na mag-uumpisa sa September 11 to 17.

Daiana Menezes ibinabalandra ang katawan

Hiwalay na ba si Daiana Menezes sa hubby niyang si ex Cagayan de Oro Rep. Benjo Benaldo na naging controversial kamakailan dahil sa sina­sabing nagtangkang magpakamatay kahit dini-deny niya?

Eh kasi nag-pose si Daiana sa isang magazine na hubad at isang black tie lang ang nakalakay sa leeg.

Kahit sa iba pa niyang photos, sobra, parang hindi asawa ng pulitiko ang drama niya.

Siguro naman kung sila pa ng dating kongresista, hindi ito papayag na magbilad siya ‘di ba. May mister bang pabor sa pagbibilad ng katawan ng asawa niya?

vuukle comment

ANNE CURTIS

BAMBOO FLOWERS

BEA BINENE

BENJO BENALDO

BUBBLE GANG

DAIANA MENEZES

MEGAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with