^

PSN Showbiz

Kampanya para sa ligtas na produktong kosmetiko, inilunsad ng mga taga-UPOU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumarami ang panawagang suportahan ang kampanya para sa mas malusog, mas ligtas at mas mahabang buhay sa pamamagitan ng paggamit ng mga ligtas na produkto para sa pagpapaganda’t pag-aalagang pansarili.

Sa pinakahuling kampanya, layunin ng pitong propesyonal na mag-aaral ng Master of Development Communication ng University of the Philippines Open University (UPOU) na itaas ang kamalayan ng mamamayan upang iwasan ang mapanganib na produktong kosmetiko at sa halip ay pumili ng orga­niko o organic-based na produkto.

Ayon sa grupong nagsasagawa ng kampanya, may ilang siyentipikong pag-aaral na nagpapakita ng mataas na antas ng “phthalates” sa ihi ng mga babaeng premenopausal. Ito ay isang uri ng nakalalasong kemikal na matatagpuan sa ilang pabango, na nakakarating sa loob ng katawan kapag ito ay naexpose sa balat o nalanghap. Sa mga kalalakihan, diumano’y bumababa naman ang bilang ng sperm dahil sa nasabing kemikal, at ang mga pag-aaral na ito ay nakarating na sa atensyon ng Senado.

Ang isa pang halimbawa ng mga nakalalasong sangkap ay ang paraben na ginagamit bilang preserbatibo sa mga produktong kosmetiko tulad ng deodo­rant. Ayon sa mga pag-aaral, ang paraben ay maaaring magdulot ng kanser at iba pang sakit.

Ang ilang makeup tulad ng lipstick ay kakikitaan rin ng mataas na antas ng metal tulad ng lead, na nagpapahina ng utak at nakamamatay.

Ang kampanyang binansagang “Organic Switch!” ay kinabibilangan ng stratehiyang magbibigay ng “measurable results” na magagamit sa mga dara­ting pang pananaliksik sa mga produkto para sa pagpapaganda’t pag-aalagang pansarili.

Kasama ng Organic Switch! ang mga kompanya ng ligtas na produktong kosmetiko tulad ng ECHOstore, Human Nature, Lawiswis, Messy Bessy, at The Body Shop.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang organicswitch.wordpress.com. I-like ang www.facebook/organicswitch208 at i-follow sa Twitter ang @Orga­nicSwitch. Lumahok sa survey, magbigay ng komento o sumali sa mga contest para sa pagkakataong manalo ng organiko/organic-based na produktong kosmetiko.

vuukle comment

AYON

BODY SHOP

DUMARAMI

HUMAN NATURE

MASTER OF DEVELOPMENT COMMUNICATION

MESSY BESSY

ORGANIC SWITCH

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES OPEN UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with