^

PSN Showbiz

Marian isinisekreto ang pinagsamahan nilang trabaho ni Angel

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masaya ang magiging labanan sa kalahating milyong piso nina Rufa Mae Quinto, Daiana Menezes, at Melanie Marquez sa Celebrity Bluff mamayang gabi.

Lalong naging riot nang umupong Gangnamm si Bobay kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Naloka si Eugene Domingo kung paano naisahan ni Melanie si Daiana. Pero may malaking twist sa nanalo na ikinaloka ng mga nasa studio.

PAK: “Secret” lang ang sagot ni Marian Rivera sa amin nang tinanong namin kung ano ang project na pagsasamahan nila ni Angel Locsin.

Meron nga silang gagawin pero masyadong maaga pa para pag-usapan.

Pero masaya ang pictorial na pinagsamahan nila ng Kapamilya actress pero hindi sa project na pagsasamahan nila kundi para sa isang magazine.

Kasama rin pala sa pictorial sina Charlene Gonzales, Anne Curtis, at Judy Ann Santos.

BOOM: Masayang-masaya ang mga taga-Sunday All Stars dahil mataas ang rating ng episode nila nung nakaraang Linggo.

Kaya lalong mainit ang labanan ng apat na teams na talagang pinaghahandaan ang kanilang production numbers.

Pero mas tumitindi ang labanan na nagiging personalan kapag may patutsadahan na ang ilang miyembro.

Sa isang interview, sabi ni celebrity 1 na miyembro ng isang team, “Kayo (binanggit ang pangalan ng isang team), nakailang panalo na kayo? Hanggang diyan na lang kayo!”

Nakarating sa leader ng team na iyon ang pang-aasar kaya nagsalita rin sa interview at nagpatutsada rin ito para kay celebrity 1.

Sabi ni leader ng team na pinatutsadahan ni celebrity 1: “Hanggang dito na lang kami? Eh ikaw, ano ang kaya mong gawing sumayaw? Hanggang diyan ka na lang?!”

Ganun na kainit ang patutsadahan nila kaya painit nang painit na ang labanan nila.

 

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

CELEBRITY BLUFF

CHARLENE GONZALES

DAIANA MENEZES

EUGENE DOMINGO

HANGGANG

JOSE MANALO

JUDY ANN SANTOS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with