^

PSN Showbiz

Isay hindi nararamdaman ang cancer ’pag nasa stage

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Napaka-professional at napakahusay pa rin ng stage actress na si Isay Alvarez sa kanyang ipinamalas na galing sa restaging ng Katy: The Musical na kamakailan lamang ipinalabas sa Meralco Thea­ter, Pasig City. Ang mag-asawang Robert Seña at Isay ang nag-produce ng remake ng Katy kung saan si Isay din ang gumanap sa lead role na unang ginampanan ni Mitch Valdez.

May sakit na cancer si Isay at nakakatulong ang kanyang positibong pananaw at pagkapit sa Diyos sa kanyang patuloy na pakikipaglaban sa kanyang sakit.

Animo’y normal at walang sakit na iniinda si Isay nang kanyang gampanan ang papel na Katy.

Alma naloko sa negosyo

Guwapo ang 13-year-old son ni Alma Concepcion na si Kobe at hindi kami magtataka kung papasok din ito ng showbiz tulad ng kanyang ina at grandparents.

Gusto ni Alma na mag-concentrate ang kanyang kaisa-isang anak sa kanyang studies pero hindi niya ito pipigilan sakali mang naisin din nitong mag-showbiz sa kundisyon na hindi nito pababayaan ang kanyang pag-aaral.

Samantala, back in shape na naman si Alma upang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career habang tinatapos niya sa University of the Philippines ang kanyang ikalawang kursong interior design. Bukod sa showbiz, pinasok na rin ni Alma ang pagne-negosyo at kasama rito ang restaurant at construction business. Ang nakalulungkot lang, niloko umano siya and her business partner ng isang kilalang businesswoman na hindi sila binayaran ng mahigit tatlong milyong piso. Itinigil na rin ni Alma ang kanyang restaurant business at nagda-divert siya sa ibang negosyo.

Looking forward si Alma na muling makagawa ng panibagong teleserye at pelikula.

 

vuukle comment

ALMA

ALMA CONCEPCION

ISAY

ISAY ALVAREZ

KANYANG

KATY

MERALCO THEA

MITCH VALDEZ

PASIG CITY

ROBERT SE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with