^

PSN Showbiz

Claudine masuwerte sa ina, todo pagtatanggol na naman sa kinasasangkutan ng aktres

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May mga bumabatikos kay Inday Barretto dahil sa pagtatanggol niya sa anak na si Claudine na hindi na nawalan ng kontrobersiya na kinasasangkutan.

In fairness sa ina, may mga pumupuri rin kay Inday dahil sa unconditional love niya sa kanyang anak na bunso. Masuwerte si Caudine sa pagkakaroon ng nanay na kagaya ni Inday.

Taping ng mga teleserye nagoyo ng Labuyo

Apektado ni Typhoon Labuyo ang mga taping ng mga teleserye.

Na-pack up kahapon ang taping ng mga drama series ng mga TV network dahil nag-worry ang mga produ na baka bumuhos ang malakas na ulan kaya hindi makunan ang mga eksena, lalo na ang mga exterior shot.

Eh sutil si Labuyo dahil makulimlim lamang ang panahon kahapon at konting ulan lang sa Metro Manila. Nakaramdam tuloy ng panghihinayang ang mga artista at ang production staff dahil nasayang ang isang araw na taping.

Bit players binigyan ng importansiya

Ang suwerte naman ng mga bit player na kasali sa Ekstra: The Bit Player, ang pelikula ni Batangas Gov. Vilma Santos na showing bukas sa mga sinehan.

Masuwerte dahil binigyan sila ng importansiya sa presscon at promo ng pelikula.

Nabigyan pa sila ng oportunidad na makatrabaho ang Star for All Seasons na never na naranasan na maging ekstra sa pelikula pero marunong magpahalaga sa mga bit player.

Isang feel good movie ang Ekstra.

Mabibigyan ng pagkakataon ang moviegoers na makita at malaman ang mga kaganapan sa taping ng mga teleserye at shooting.

Dingdong at Marian mistulang lovers in paradise

Amandari ang name ng resort sa Bali, Indonesia na pinuntahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sa pangalan pa lang, isang sosyal na resort ang Amandari at sister resort ito ng Amanpulo, isa sa mga expensive beach resort sa Pilipinas.

Ang Amandari ang lugar na pinili ni Marian para ipagdiwang ang kanyang 29th birthday, kasama ang lalaki na pinakamamahal niya. Paradise ang description ng mga turista na nakarating na sa Amandari. Therefore, lovers in paradise sina Marian at Dingdong sa Bali.

Aljur pinatunayang best performer

Best performer si Aljur Abrenica sa Sunday All Stars noong Linggo.

Deserving si Aljur na mag-win dahil ang husay-husay niya. Rocker na rocker ang kanyang dating at talagang pinatunayan niya na may boses siya.

Nasa lahi ni Aljur ang pagiging musician. Band member ang kanyang ama na rumaket noon sa Japan.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ALL SEASONS

AMANDARI

ANG AMANDARI

BATANGAS GOV

BIT PLAYER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with