^

PSN Showbiz

Mga anak ni Benjie nagmamatigas pa rin!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masayang sinilebreyt ng Sarap Diva ang 10th anniversary ni Mark Bautista sa showbiz.

Sinugod ng host na si Regine Velasquez ang tahanan ni Mark at ipinagluto niya ito ng espesyal na steak. Pero nagpakitang gilas din si Mark ng galing niya sa pagluto ng sinuglaw, ang kakaibang style ng kilawin na sikat sa Cagayan de Oro.

Abangan bukas ng umaga ang espesyal na episode na ito ng GMA 7 sa Sarap Diva.

PAK: Nalungkot din si Sen. Bong Revilla, Jr. sa ’di pagkakatuloy ng pelikula niyang My Super Kap na dapat ay entry ng Imus Productions sa Metro Manila Film Festival.

Ang gusto raw kasi talaga ni Sen. Bong ay gawing 3D ang naturang pelikula kaya dapat na matapos ng maaga. Pero hindi maayos ang schedule nina Toni Gonzaga at AiAi delas Alas kaya hindi na lang nila isasali.

Pero ang tinitiyak ni Sen. Bong, itutuloy pa rin niya ang pelikula at dapat ay 3D ito.

BOOM: Matigas pa rin ang pahayag ng magkapatid na Andre at Kobe Paras na hindi pa sila handang makaharap at makausap ang tunay nilang inang si Jackie Forster.

Kahapon ay pumirma silang dalawa sa Viva Films na siyang magha-handle ng kanilang endorsement at mga commercial na inaalok sa kanila.

Hindi naiwasang hingan ng statement ang magkapatid at pati si Benjie Paras tungkol sa mga pahayag ni Jackie sa kanilang anak.

Ayon kay Andre, “We’re happy with our life with our new mom. She’s better. I’m happy with my life and I’m just focused in the good side and I don’t focus in the bad side because the past is the past. We’re already ahead to the future.”

Nagpaliwanag naman si Benjie sa tunay na nangyari at naniniwala naman silang darating ang panahon na matanggap na rin ng mga bata ang kanilang ina. Pero sa ngayon, nakikita namin sa dalawang bata na hindi pa sila handang makita at makasama ang kanilang tunay na ina.

Ang hiling lang naman ni Benjie kay Jackie ay sana hayaan na muna ang mga bata sa kanilang desisyon.

vuukle comment

BENJIE

BENJIE PARAS

BONG REVILLA

IMUS PRODUCTIONS

JACKIE FORSTER

KOBE PARAS

MARK BAUTISTA

PERO

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with