^

PSN Showbiz

Sharon itinanggi ang pakikipag-usap kay Gabby Lopez, tanggap na rin kung bakit nasibak ang kanyang unang programa sa Singko

ABOUT SOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nag-immersion si Sharon Cuneta bago magsi­mulang mag-taping sa dramedy show niya sa TV5 na Madam Chairman. Bumisita siya sa Brgy. Doña Imelda, Quezon City, nakipag-usap kay Brgy. Chairman Concepcion Malangen at ibang barangay officials at nagtanong ng mga problema at kung paano nila inaaksyunan.

Dumalo rin si Sharon sa Brgy. Council Meeting, tumulong sa distribution ng Disaster Preparedness Survival Kit, tumulong sa Soup Kitchen at nag-book rea­ding. Kita ang excitement ni Mega sa gagampanang role ni Elizabeth “Bebeth” de Guzman.

Sa October ang airing ng Madam Chairnam, 10 weeks ito tatakbo sa direction ni Joel Lamangan at script ni Joey Reyes na dalawa sa mga rason kung bakit tinanggap ni Sharon ang project. Kasama rin sa mga rason sina Manny Castañeda at Fanny Serrano dahil “mothers” niya ang apat.

Matagal nawala si Sharon, nag-isip-isip daw siya kung bakit nasibak ang first show niya sa TV5, pero natanggap niya at ngayon, excited siya sa Madam Chairman dahil kakaiba sa mga nagawa na niyang role.

Natanong si Sharon sa tsikang gusto niyang bumalik sa ABS-CBN at tinawagan pa si Mr. Gabby Lopez na kanyang itinanggi. Sabi nito: “The last time I talked to Mr. Gabby Lopez was when I said goodbye. I never called him about returning to ABS-CBN. If there’s a liar here, it’s not me. You can confirm with ABS-CBN bosses. I’m close to ma’am Charo Santos-Concio and tita Cory (Vidanes), we talked once and texted but it’s not about work.”

Sabi ni Sharon, tatapusin niya ang natitira pa ni­yang three years contract sa TV5 lalo’t magaganda ang gagawin niyang shows. 

Nabanggit din ni Sharon na may three movie pro­jects siyang naka-line up sa Viva Films, pero kaila­ngan niya munang pumayat. Bago siya mag-diet, may pagdadaanan muna siyang proseso na hindi na in-elaborate. 

Anak ni Pen Medina gustong makipaghalikan kay John Lloyd, wala ring kontrol sa hubaran

Anak ng magaling na aktor na si Pen Medina at kapatid ni Ping Medina si Alex  Medina ang bida sa indie film at Cinemalaya entry sa New Breed cate­gory na Babagwa.

Kung sexy and bold si Alex sa earlier movies niya, mas sexy and daring siya sa Babagwa sa mga mapupusok na ginawang eksena at may butt exposure pa. First Cinemalaya movie niya ito, kaya excited ang aktor.

Bukod sa magaling, ang lamang ni Alex sa ibang aktor kaya niya lahat ng klase ng role at walang tinatanggihang eksena kahit maghubad. Kaya hindi siya nawawalan ng project sa TV lalo na sa pelikula. Open siya sa gay role at kissing scene sa kahit sinong aktor, kung pamimiliin, si John Lloyd ang type niyang makahalikan.

Sa July 28, Sunday, 12:45 pm., ang gala screening ng Babagwa, produced ng Cinemalaya at Quantum Films ni Atty. Joji Alonso. Sa direction ng 25-year-old filmmaker na  si Jason Paul Laxamana.

Jolina may problema sa cervix

Hindi na kailangang interbyuhin pa si Jolina Magdangal tungkol sa kanyang pagbubuntis dahil in-update ng husband nitong si Mark Escueta ang fans ng asawa sa Twitter at Instagram.

Ibinalita ni Mark na nag-second ultrasound si Jolina last July 17 and as of today, eight weeks and eight days na ang baby nila. Nabanggit din nitong ang OB ni Jolina na si Dra. Florendo ng Asian Hospital ay recommended nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Sa February next year ang due manganak ni Jolina.

Nag-tweet din si Mark ng “Salamat sa lahat nang nagdasal para sa amin. Our baby is okay but may slight concern sa cervix niya (Jolina) so please keep praying. Thank you.”

On leave sa TV ngayon si Jolina mula nang magbuntis, kaya hindi muna siya napapanood sa Sunday All Stars, pinalitan muna siya ni Alessandra de Rossi bilang host sa Personalan at baka hindi na makabalik sa Mundo Mo’y Akin.

Mall tour…

Nasulat na naming dati na maglalabas ng DVD ng My Husband’s Lover at sa August na nga ito at ang GMA Records for Home Video ang magre-release.

Also, tuluy-tuloy ang mall show ng cast para pasalamatan ang sumusubaybay sa  My Husband’s Lover. Sa August 1, nasa Cebu ang cast at kasama na rin si Kuh Ledesma nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Bettina Carlos, at Carla Abellana sa mall show. See the MHL cast at 3 p.m., sa Gaisano Grand Mall and 5 p.m., sa SM City Cebu.

vuukle comment

ALEX

BABAGWA

BRGY

JOHN LLOYD

JOLINA

MADAM CHAIRMAN

MR. GABBY LOPEZ

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with