^

PSN Showbiz

Vic mas piniling maglaro ng golf sa Macau kesa dalawin si Pauleen nang magpaayos ng mata!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Cesar Montano ang special guest ni Regine Velasquez sa Sarap Diva sa darating na Sabado.

  Matitikman ni Regine ang specialty ng Bellisimo Restaurant ng actor/director na pizza at pasta.

  Pero hindi lang sa masarap na luto ng restaurant ni Cesar ang mae-enjoy ng mga manonood kundi ang mga nakakaintrigang interview ni Songbird. Naisisingit pa rin nito ang intriga sa pamilya na nasasagot naman ni Cesar.

PAK: Mahigit isang linggo ring nawala si Pauleen Luna sa Eat Bulaga dahil kailangan niyang magpahinga pagkatapos niyang magpa-laser sa mata.

Pero naintriga na naman ang TV host-actress dahil ilang araw ding nawala si Vic Sotto na nasa Macau pala.

Ang narinig namin, naglaro ng golf doon si Bossing Vic kasama ang mga kaibigan.

Ang duda ng ilan, kasama si Pauleen doon, na itinatanggi naman ng actress/TV host dahil hindi siya puwedeng magbiyahe habang nagpapagaling.

Tinanong na lang namin si Pauleen kung nadalaw ba siya ni Bossing Vic nung nagpapahinga ito pagkatapos operahan.

“Hindi po,” mabilis na sagot niya sa amin.

BOOM: Hindi pa rin masagot ni Ogie Alcasid ang isyung paglipat sa TV5 dahil hanggang sa ngayon ay wala pa naman siyang napipirmahan na kontrata.

Kahit malakas na ang ugong na magkakaroon na siya ng programa sa TV5, wala pa ring kinumpirma ang songwriter sa presscon ng I Write the Songs concert nito kahapon.

Sa Aug. 16 pa naman ang concert niya at bago dumating ang araw na ’yun ay may linaw na na sagot kung tuloy nga ba siya sa TV5 o sa GMA 7 pa rin.

Nung June 30 natapos ang kontrata ni Ogie sa Kapuso Network at technically ay freelancer siya ngayon kasi wala pa siyang napipirmahang kontrata kahit saan.

“There is no denying that this is really a crucial part of my career. We call it crossroads or probably a transition period.

 â€œWhatever decision I make, and as always, paninindigan ko ’yun eh. So it’s not easy for me to just decide, and I always pray about this, and kung sino ang may kailangan, dun ako,” bahagi ng pahayag ni Ogie.

Pero sa Sabado ay host na si Ogie sa PhilPop Music Festival na produced ng TV5. Kaya mapapanood na siya sa Kapatid Network.

vuukle comment

BELLISIMO RESTAURANT

BOSSING VIC

EAT BULAGA

I WRITE THE SONGS

KAPATID NETWORK

KAPUSO NETWORK

MUSIC FESTIVAL

OGIE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with