^

PSN Showbiz

May suicide note na, may pambayad pa sa cremation pagdi-deny ni Ex-Rep. Benjo sa ‘pagbaril’ pinagtaasan ng kilay

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Si Atty. Mari Glen Abraham ang lawyer ni Sarah Lahbati sa mga kaso nito laban kay Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films.

Si Atty. Abraham ang abogado ni Nadia Montenegro sa mga dating kaso nito laban kay Annabelle Rama. Kaibigan ni Nadia si Atty. Abrogar. Small world.

SCENE: “Not related to the case” ang rehearsed answer ni Sarah Lahbati sa mga nagtatanong kung totoo na nagbuntis at nagsilang siya ng anak sa Switzerland.

SEEN: Ang beauty queen na si Ara Arida ang rumored new girlfriend ni Eric Vijandre. 

Matagal nang hiwalay si Ervic at si Rich Asuncion. Magkasama sina Ervic at Rich sa Binoy Henyo ng GMA 7.

SCENE: Positive ang reviews sa Tuhog, ang pelikula ng Skylight Films na showing ngayon sa mga sinehan. Riot ang mga eksena ni Enchong Dee sa Tuhog.

SEEN: Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Tuhog. Ang mga bida ng Tuhog ay sina Jake Cuenca, Enchong Dee, at Eugene Domingo.

SCENE: Mutya ng Masa ang title ng afternoon show ni Doris Bigornia sa ABS-CBN. Prinsesa ng Masa ang pamagat ng upcoming teleserye ni Kris Bernal sa GMA 7.

SEEN: Lutang na lutang ang kagandahan ni Pilar Pilapil sa Muling Buksan ang Puso. Walang makeup si Pilar sa mga eksena niya kaya parang hindi nagkakalayo ang edad nila ni Cherie Gil na gumaganap bilang kanyang anak.

SCENE: Pinagtaasan ng kilay ang depensa ni ex-Congressman Benjo Benaldo na aksidente lamang ang pagkakabaril niya sa sarili.

Pinagdudahan ang depensa ng asawa ni Daiana Menezes dahil laman ng mga balita ang suicide note at pera na pambayad sa cremation na kanyang iniwan.

 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ANNETTE GOZON-ABROGAR

ARA ARIDA

BINOY HENYO

CHERIE GIL

ENCHONG DEE

SARAH LAHBATI

SI ATTY

TUHOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with