^

PSN Showbiz

Vice Ganda matagal na hindi makakapanglait, may polyps sa vocal chord binawalang magsalita ng doktor

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nega ang reaction nang ibang nakabasa sa tweet ni Vice Ganda na kailangan niyang mamahinga sa pagsasalita dahil sa polyps sa kanyang vocal chord. Imbes na ipagdasal siya ng iba para gumaling agad, nega ang sinabi ng ibang fans.

Baka raw isa itong paalala na kaila-ngan na ni Vice maghinay-hinay sa panlalait at pandadaot sa ibang tao.

Heto ang tweet ni Vice:  “Sorry guys u wont see me muna in Showtime. The doc found polyps in my vocal chords. Di na nagsasara yung upper part coz its seriously damaged. The blood vessels are swollen and might collapse. I have also acid reflux na lalong nagpalala. Were trying steroids now and strictly no talk for the next days. Pag di gumaling i will have to undergo surgery. Ilang araw nkong papel at ballpen ang katapat ko dahil kailangan kong isulat kung anung sasabihin ko. It will take a few days but im sure ill be fine. The Lord loves me. Im not even bothered.”

Atty. Abrogar handang handa sa demanda ni Sarah

Mabilis na sumagot si Atty. Annette Gozon Abrogar sa isinampang kaso ni Sarah Lahbati na dumating ng bansa kamakailan para harapin ang kaso na naunang inihain ni Atty. Abrogar, ang anak ni Atty. Felipe Gozon na may-ari ng GMA 7.

“I haven’t received anything from her lawyers but if it’s true, then I welcome it since she’s now fighting in the proper venue. Now the public will know what the truth is,” sabi ni Atty. Abrogar sa kanyang statement na ipinadala sa email.

Perjury at grave coercion ang mga kasong magkasunod na inihain ni Sarah.

Mabilis na kumalat ang nasabing balak ni Sarah na pagdemanda kay Atty. Abrogar dahil nakatanggap ang maraming reporter ng advisory.

Bakit hindi ka crush ng crush mo biglang ipalalabas na

May movie adaptation na ang best-selling self-help book ni Ramon Bautista na nagbigay kasagutan sa mga pusong nawasak at nasaktan! Ito ang panibagong 20th anniversary offering ng Star Cinema na mainit nang pinag-uusapang comedy at kauna-unahang pelikula ng tambalang Kim Chiu at Xian Lim na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo na mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa July 31.

Matapos ang usaping pamilya sa Four Sisters and a Wedding at  Tuhog na ipalalabas na ngayong Miyerkules (July 17), panibagong to­pic na naman ang  pagkukuwentuhan ng Star Cinema at ng masusugid nitong manonood sa Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo - moving on after a heartbreak, with a twist!

Sa ilalim ng direksiyon ng blockbuster director na si Bb. Joyce Bernal at script na likha mismo ni Bautista at Carmi Raymundo, ang writer ng box-office hit na It Takes a Man and a Woman;  ang pelikula nina Kim and Xian ay isang witty but funny ‘self-help’ movie tampok ang kuwento ng masipag ngunit ugly duckling na empleyado na si Sandy Veloso (Kim) at ng mayaman at guwapo niyang boss na si Alex Prieto (Xian).

Mula ang isang kakaibang engkwentro, mapapasok ang mag-amo sa isang kasunduan--tutulungan ni Sandy si Alex na mapatakbo nang maayos ang kanilang kumpanya, samantalang tutulungan naman ni Alex si Sandy na malaman ang ‘game of dating and relationships’ upang muling makuha ang loob ng ex-boyfriend na si Gardo at nang hindi na ma-heartbroken kahit kailan.

Bukod kina Kim at Xian, tampok rin sa Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo sina Kean Cipriano, Diane Medina, Jojit Lorenzo, Ryan Boyce, Lilia Cuntapay, Tonton Gutierrez, at ang author mismo ng libro na si Ramon Bautista!

 

vuukle comment

ABROGAR

ALEX

ALEX PRIETO

ANNETTE GOZON ABROGAR

BAKIT HINDI KA CRUSH

CRUSH

CRUSH MO

RAMON BAUTISTA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with