^

PSN Showbiz

Dinalaw uli si Sarah: Richard nasa Switzerland na naman?

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Napi-pressure na raw ang Instagang team ni Christian Bautista ng Sunday All Stars dahil ang target nila sa Linggo ay sila ang magwawaging Best Team.

Sila na lang kasi ang hindi pa nanalo, kaya ngayon pa lang ay pinghahandaan na nila na dapat bongga ang performance.

 Pagkatapos daw kasi ng performance nila sa Linggo ay magsa-shuffle na sila at magkakaiba na ang miyembro ng apat na team.

PAK: Totoo kayang nasa Switzerland na raw ngayon si Richard Gutierrez para dalawin si Sarah Lahbati?

Pero ang sabi naman ng Mommy ni Sarah, nasa Paris daw ang young actress at magtatagal pa raw siya ng dalawang linggo.

Sa premiere night ng My Lady Boss nung nakaraang Linggo tinanong namin kung dadalawin ba nito si Sarah pagkatapos niyang mag-promote ng pelikula nila ni Marian Rivera. Hindi pa raw siya sure kung magsi-Switzerland siya, pero balak daw talaga niyang magbakasyon.

Saka na lang daw pag-usapan ang tungkol sa love life niya.

BOOM: Sinunod ni James Yap ang gag order na ibinaba ni Judge Cristina J. Sulit ng Makati-RTC kaya hindi ito sumasagot tungkol sa visitation rights niya kay Bimby.

Ang narinig namin, sa Miyerkules na dapat magkikita sina James at Bimby, pero nasa Amanpulo naman pala si Kris kasama siyempre ang anak niya.

Tinanong namin si James, pati ang abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan, pero hindi sila sumasagot.

Kailangan nilang sumunod sa gag order kaya hindi sila sumasagot.

Sabi naman ni James, masaya siya sa desisyon ng korte. Kaya maaring may napagkasunduan na sila sa harap ng korte.

Abangan sa Startalk bukas ang iba pang pahayag ni James kaugnay sa isyung visitation rights kay Bimby.

vuukle comment

BEST TEAM

BIMBY

CHRISTIAN BAUTISTA

JAMES YAP

JUDGE CRISTINA J

LINGGO

LORNA KAPUNAN

MARIAN RIVERA

MY LADY BOSS

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with