^

PSN Showbiz

3 hanggang 4 na kanta lang Apl de Ap dolyares ang singil na TF, halos P1.5 M per show

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Uy dollars pala, hindi sa Philippine peso ang singil na talent fee ng dating member ng Black Eyed Peas na si Apl de Ap.

Kasi isang kakilala ko ang sumubok na kausapin ang kampo ni Apl de Ap para sa isang corporate show at nabingi sila nang marinig na ang talent fee nito - $30,000. As in hindi naman concert ang gagawin ni Apl de Ap, ilang kanta lang sa isang programa sa hotel.

Kahapon, ang value ng one peso sa US dollar ay 43.36. So,  $30,000 x 43.36 = P1,303,800.

Yup as in tumataginting na mahigit isang milyon sa isang corporate show ang singil ng isa sa mga original na miyembro ng BEP na maraming pinasikat na kanta.

So kung sa corporate show ay ganun ang TF niya, magkano kaya ang ibinayad sa kanya ng ABS-CBN para mapapayag na maging coach sa The Voice of the Philippines kasama sina Ms. Lea Salonga, Bamboo, and Sa­rah Geronimo?

Ang estimate ng isa kong tinanong, baka raw P1 million per episode.
Whattt?

Eh paano na lang si Lea Salonga?

Anyway, kaya tama lang naman pala na magpatayo ng mga eskuwelahan si Apl de Ap o Allan Pineda bilang tulong sa mga kabataan sa Pampanga, ang pinanggalingan niyang lugar.

Inamin noon ni Apl de Ap na nanliligaw siya kay KC Concepcion pero balitang naudlot.

May problema nga? Mariel tuloy ang pangde-dedma kay Robin

Ay mukhang totoo nga ang kuwento ng isa kong friend na may problema sina Robin Padilla and Mariel Rodriguez.

Nauna nang naisulat namin ito noong Lunes dahil sa text message ng isang kakilala na dedma raw talaga si Mariel na kasalukuyang nasa New York pa rin at nag-e-enjoy kasama ang kanyang naope­rahang ama sa asawang si Robin kahit pa nagpaparamdam ito (Robin) sa Instagram.

Ang latest, deleted na ang mga litrato nila ni Robin sa photo and video sharing network na Instagram. As in mga solo photos na lang ni Mariel, photos na kasama ang pamilya at mga pagkain na lang ang natirang mga litrato sa IG account ng TV host.

Saka magaling na raw ang ama ni Mariel na bata pa ang hitsura so bakit daw hindi pa bumalik si Mariel dito kung wala nga silang problema ni Robin?

Samantala, naka-apat na beses nang inilagay ni Robin sa kanyang IG account ang photo ni Ma­riel na masaya ang hitsura na may caption na : “You deserve the best of everything” pero dedma talaga si Mariel.

Maging si Robin naman ay hindi sumasagot sa mga tanong kung bakit hindi pa bumabalik si Mariel at kung bakit binura ang mga litrato nila sa Instagram account ni Mariel.

Kasalukuyan pa ring nasa New York si Mariel base sa mga inilalagay niyang photos sa kanyang Instagram account at kahit maraming nagtatanong sa kanya kung kailan siya babalik ng Pinas ay hindi siya sumasagot.

Siguradong malalaman din natin ang totoo, wait-wait lang tayo.

Pero binura agad Charice at karelasyong singer nag-I love youhan sa Twitter

Binura agad ng tomboyitang­­ singer na  si Charice ang palitan nila ng I love you ng kanyang karelasyong si Alyssa Quijano sa Twitter.

Parang may pinagselosan yata si Charice.

Heto ang palitan nila ng tweets :

Alyssa : “Ang cuuute mo”

Charice : “ewan.”

Alyssa “hahahahaha! Kaseee... Wag na magselos. ang cute mo!!!

Alyssa : “I love you po...”

Charice : “I love love love you moooooore.”

Oh oh. Ang sweet ha.

vuukle comment

ALLAN PINEDA

ALYSSA

ALYSSA QUIJANO

CHARICE

INSTAGRAM

MARIEL

NEW YORK

ROBIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with