^

PSN Showbiz

James Yap balik-‘Pinas na, hinihintay magsalita tungkol sa GF na Italian

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bumalik na sa bansa si James Yap, pagkatapos ng ilang linggong pagbabakasyon sa Europe, kasama ang kanyang Italian girlfriend.

Dahil naririto na si James sa Pilipinas, nag-uunahan ang mga reporter na makausap siya tungkol sa never-ending issues nila ni Kris Aquino at sa pag­lalantad niya sa litrato ng kanyang dyowa sa social media.

Ready na ba si James na pag-usapan ang kanyang girlfriend na walang kinalaman sa showbiz at hindi sanay sa intriga o kontrobersiya?

True ang naramdaman asawa ng aktres tuloy ang relasyon sa nonshowbiz girl

Tuloy ang pakikipagkita ng asawa ng isang aktres sa kanyang nonshowbiz girlfriend. Siguro nga, ang girl ang true love niya kaya nakipaghiwalay siya sa kanyang asawa.

Tanggap na tanggap na ng aktres na hindi na sila magkakabalikan ng mhin kaya naiinis siya dahil nakakarating pa rin sa kanya ang extra-curricular activities ng dating asawa.

Kaya sa mga kaibigan ng aktres, tigilan n’yo na ang pagkukuwento sa kanya at pagpaparating ng bad news. Hindi kayo nakakatulong sa pagbabagong-buhay ng aktres.

Paano siya makaka-move on kung kayo rin pala ang nagpapaabot sa kanya ng mga tsismis? Kung talagang true friends kayo, huwag n’yo nang sulsulan ang aktres. Tigil-tigilan n’yo na ang pakikialam sa kanyang love life!                                    

Thea Tolentino nawalan ng show, may kapalit agad

Last episode na pala kahapon ng Teen Gen, ang youth-oriented Sunday program ng GMA 7.

Mainstay ng Teen Gen si Thea Tolentino na hindi naman nawalan ng show, kahit nag-goodbye na ang kanilang Sunday program, dahil idinagdag siya sa cast ng Anna Karenina.

Maganda ang role ni Thea sa primetime show ng GMA 7 dahil siya ang ika-apat na Anna Karenina na magpapalito sa viewers. Si Tanya Garcia ang gumanap na 4th Anna Karenina sa original version nito noong dekada 90. Luma­bas na ang karakter ni Thea sa Anna Karenina noong nakaraang linggo.                                

Gina hindi na kailangang maglagare

Si Gina Alajar ang direktor ng Anna Karenina. Nag-iisang direktor si Gina dahil hindi siya kumuha ng second unit director.

Ayaw ni Gina na mabago ang look ng Anna Karenina kaya hitsurang pagod at puyat, siya lang ang one and only director ng teleserye nina Krystal Reyes, Barbie Forteza, at Joyce Ching.

Mabuti na lang nakatira na sa iisang bahay ang mga artista ng Anna Karenina. Hindi na kailangan ni Gina na maglagare sa ibang mga location.

Joseph, survivor!

May event na pinuntahan si Joseph Bitangcol sa Isabela noong Sabado kaya hindi nakuha ng Startalk ang kanyang panig tungkol sa isyu na nakita siya na walang malay sa loob ng isang sasakyan.

Walang chance na makausap ng Startalk si Joseph dahil magkasabay na magkasabay ang oras ng aming show at ang event na kanyang dinaluhan.

Survivor si Joseph at gaya nang sinabi ko, marami ang ready na tumulong sa kanya kung sakali na kailangan niya ng tulong. Normal lang sa ating lahat ang makaranas ng depression pero walang dahilan para mawalan si Joseph ng pag-asa.

 

vuukle comment

ANNA KARENINA

GINA

KANYANG

SIYA

TEEN GEN

THEA TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with