^

PSN Showbiz

Pangarap na pagpapakasal ni Charice matutupad na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Isa si Charice sa mga natuwa dahil legal na ang same sex marriage sa California, USA. May plano kaya si Charice at ang kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano na magpakasal sa Amerika?
Why not?

Nang aminin ni Charice ang pagiging tomboyita ay nagsalita siya na gusto niya na magpakasal ba­lang araw. Matutupad na ang dream ni Charice dahil puwede na ang same sex marriage sa California.

Mapusok na bata si Charice kaya malaki ang tsansa na i-try nila ng kanyang girlfriend na mag-isang dibdib sa US dahil nasa legal age na siya

Daiana nanahimik sa nangyari sa asawa

Nabigo ang mga miyembro ng media na tumambay at nagbantay sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City dahil hindi nila nakausap si Daiana Menezes tungkol sa suicide try ng asawa niya na nagbaril sa sarili, si Cagayan de Oro House Representative Benjo Benaldo.

Lalong   hindi     puwedeng ma interbyu ng mga reporter ang kongresista dahil mahigpit ang security sa ospital. Naiintindihan ng mga reporter ang pananahimik ni Daiana dahil matindi ang pinagdaraanan nila ng kanyang asawa.

Active si Daiana sa social media pero pahinga muna siya sa  Twitter at Instagram mula nang magtangka na magpakamatay ang kanyang dyowa.

Young actor buhay mayaman sa piling ng asawang bakla sa Amerika

US-based na ang isang young actor na natsismis noon na ikinasal sa New York. Super deny ang pa-mhin na aktor. Hindi raw totoo na  pinakasalan niya ang kanyang boyfriend. Lalong hindi siya nagpunta sa New York.

Nakatira sa California ang young actor at ang kanyang Pinoy boyfriend na mayaman. Bakit pa sila darayo sa New York eh puwede na silang magpa­kasal sa California?

Very comfortable na ang pamumuhay ng aktor dahil kahit hindi ito magbanat ng buto ay good provider ang kanyang boyfriend na mas matanda sa kanya. Itinatago pa ng aktor sa publiko ang kaba­dingan kaya hindi siya naglalagay ng picture nila ng kanyang boyfriend sa kanyang Facebook at Twitter accounts.

Juday sinamahan si Ryan sa Japan

Kasama si Judy Ann Santos sa show ng Eat Bulaga sa Japan. Sinamahan ni Juday ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo na co-host sa show.

Ka-join din sa Eat Bulaga trip sa Japan ang mga misis nina Sen. Tito Sotto at Papa Joey de Leon. Si Pauleen Luna naman ang partner ni Bossing Vic Sotto.

Ang show ng Eat Bulaga sa Japan ang dahilan kaya absent kahapon si Papa Joey sa Startalk. 

Jake sa Singapore na nag-aaral

Totoo nga ang balita na hindi na bumalik sa London, England si Jake Ejercito dahil sa Singapore na niya ipagpapatuloy ang pag-aaral.

Good news ito para kay Andi Eigenmann dahil mas madaling puntahan ang Singapore. 

Very easy  kay Andi na dalawin sa Singapore si Jake kapag maluwag ang kanyang schedule. ‘Yon eh kung sila pa rin ni Jake dahil balitang-balita na hindi na sila at pinagseselosan ni Andi ang TV host na si Coleen Garcia.

vuukle comment

CHARICE

DAHIL

DAIANA

EAT BULAGA

KANYANG

NEW YORK

PAPA JOEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with