^

PSN Showbiz

Hari ng komedya buhay na buhay sa Jeepney TV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang mga minamahal at sikat na palabas ng Hari ng Komedya ay muling ibabalik ng Jeepney TV sa selebrasyon ng pang-85 na kaarawan ni Dolphy at bilang alaala sa kanyang walang kamatayang kontribusyon sa mundo ng Philippine comedy.

Isa sa mga pinakasikat na role ni Dolphy ay ang kanyang pagganap sa Home Along Da Riles na ipinalabas noong 1992 hanggang 2003, at nga­yon na sampung taon na ang nakalipas, panahon na para buhayin ulit ang mga alaala sa tahanan ng mga Kosme.

Ipapalabas ang ilang mga special episode, tulad ng pagpunta ni Kevin Kosme sa U.S. para makipag-kita sa kanyang best friend na si Panchito, at mga clip show kung saan pinagsama-sama ang mga pinakapaboritong musical number ng serye. Ipapalabas din ang mga eksena ng ka­arawan ni Kevin sa may riles.

Panoorin ang mga special back-to-back episode nito sa lahat ng mga Miyerkules ng Hulyo ng 7:45 p.m. hanggang 9:45 p.m.

Ang mga paboritong movie blockbuster naman ng Hari ng Komedya tulad ng Dancing Master,  Kung Ano’ng Puno, Siyang Bunga, The Best in the West, Good Morning, Professor, at Fung Ku  ay kasali rin sa selebrasyong ito.

Abangan sila sa Reteatro  mula Hulyo 22 hanggang Hulyo 26 ng 3:00 p.m.

vuukle comment

DANCING MASTER

DOLPHY

FUNG KU

GOOD MORNING

HARI

HOME ALONG DA RILES

HULYO

IPAPALABAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with