^

PSN Showbiz

Cesar nakitang kasama si Krista sa Podium?! ,Misteryosang lola may suMpa ang dila!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kumpirmado na ang pagbabalik ni Cesar Montano sa GMA 7. Kasali siya sa bagong drama series na pagbibidahan ni Lovi Poe kasama si Rocco Nacino na may tentative title na Hanggang Kailan.

Ang pagkakaalam namin ay may alok din ang ABS-CBN kay Cesar at may programa rin sanang ibibigay ang TV5 pero ang GMA 7 ang pinili at gusto niya ang role na gagampanan.

Sa Biyernes ang story conference nito at kabilin-bilinan daw ni Cesar na iwasan nang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Sunshine Cruz.

Pero sasagutin kaya ni Cesar ang isyung may nakakita raw sa kanya sa Podium, Ortigas, Pasig City na kasama si Krista Miller?

PAK: Kinilabutan kami sa nakarating na kuwento sa amin tungkol dito sa lola ng isang kila­lang celebrity dahil parang may pagka-mahiwaga raw.

Ang napansin nila sa naturang lola ay may krus ito sa dila, as in may nakaguhit talagang pormang krus sa loob.

Nagagawa pa raw nitong irolyo ang dila na siya lang ang nakakagawa.

Ang nakakatakot pa raw kay lola, parang may sumpa ito na talagang nangyayari kapag siya ang gumawa ng sumpa.

Kinilabutan kami dahil may galit pa naman ito ngayon sa kanyang sikat na apo at baka magkatotoo raw ang sumpa.

BOOM: Iniikot na isa-isa ni Nadia Montenegro ang mga korte sa Metro Manila para i-withdraw ang mga kasong isinampa kay Tita Annabelle Rama.

Nag-submit na ng Affidavit of Desistance si Nadia sa San Juan City at bukas ay sa Quezon City naman siya magpa-file ng withdrawal ng kaso.

Meron pa siya sa Pasig at Makati City at masaya siyang natapos na ang gusot nila ng maayos.

Sabi nga ni Nadia, perfect timing lang itong pagbabati nila ni Tita Annabelle at alam niyang nasa tamang oras ang lahat.

Sa ngayon ay mas gusto na munang mag-focus ni Nadia sa pag-aalaga sa partner niyang si Boy Asistio na nasa ospital pa.

Malaki ang pasasalamat niya sa Diyos na nasa mabuting kalagayan na ngayon si Mr. Asistio na inatake sa sleep apnea.

                                          

vuukle comment

AFFIDAVIT OF DESISTANCE

BOY ASISTIO

CESAR MONTANO

HANGGANG KAILAN

KINILABUTAN

KRISTA MILLER

LOVI POE

MAKATI CITY

NADIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with