^

PSN Showbiz

Sexy video ni Mahal makapanindig-balahibo!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mama Salve, kaharap ka nang mapanood natin ang video ni Mahal sa YouTube habang sumasa­yaw siya ng seksi.

Ikaw ang makapagsasabi sa naging reaksiyon ko sa klase ng pagsasayaw ni Mahal. Hindi ko alam kung ano ang gustong patunayan ng dalaga. Tama na ‘yung hindi ko tinapos ang panonood sa kanyang sexy dance video na makapanindig-balahibo!

Boyet at Sandy magpapahinga pero may kasabayna trabaho

Nag-start na kahapon ng taping si Sandy Ando­long para sa Anna Kare­nina, ang bagong primetime show ng GMA 7.

Saka ko na sasabihin ang role ni Sandy sa remake ng Anna Karenina na matagal na napanood noon sa GMA 7.

Pupunta nga pala ngayon sa Misibis Bay si Sandy, kasama ang kanyang mister na si Christopher de Leon na starring sa bagong teleserye ng TV5.

Hitting two birds with one stone ang Misibis Bay trip ng mag-asawa dahil magtatrabaho at makapagpapahinga si Boyet.

Nag-imbita ang TV5 ng entertainment press sa taping ng Misibis Bay. Siguradong makikita nila sina Boyet at Sandy doon.

Ryzza Mae gandang-ganda sa picture ni Lorna

Nag-enjoy si Lorna Tolentino sa guesting niya sa The Ryzza Mae Show noong Huwebes.

Tawa nang tawa si LT sa mga dialogue ni Ryzza Mae na kapareho niya na seven years old nang magsimula sa showbiz.

Gandang-ganda si Ryzza sa picture ni LT noong pitong gulang pa lamang ito. Mas maganda raw si LT kesa sa kanya.

Habang tumatagal, lalong nagiging mahusay na TV host si Ryzza. Next year malaki ang laban niya sa best TV host category ng mga award-giving body sa tele­bisyon.

Jed hindi mahanap!

Panoorin ninyo ngayong hapon ang Startalk dahil mga bagong detalye tungkol sa kontrobersiyal na paghihiwalay nina AiAi delas Alas at Jed Salang ang aming ihahatid sa inyo.

Matapos magsalita ni AiAi sa The Buzz noong nakaraang Linggo, lumitaw ang maraming isyu at kuwento tungkol sa relasyon nila ni Jed. Sinisikap ng Startalk staff na makuha ang panig ni Jed pero mahirap siya na ma-locate. Mukhang pinag-iisipan ng husto ni Jed ang mga isasagot niya sa mga matitinding bintang sa kanya ni AiAi.

Alfred tinatawag na congressman-erect

Nakipag-lunch uli kahapon si Congressman Alfred Vargas sa second batch ng entertainment press.

Tawa nang tawa si Alfred sa joke na puwede rin siya na tawagin na congressman-erect. Puwera-biro, ipinagmamalaki ni Alfred na produkto siya ng showbiz. Kung hindi raw dahil sa showbiz ay hindi matutupad ang kanyang mga pangarap at hindi siya magiging public servant.

Dapat tularan si Alfred ng ibang mga actor-politician na nakalimutan na ang kanilang pinagmulan dahil nagkaroon sila ng career sa pulitika.

 

 

 

 

 

vuukle comment

ANNA KARE

ANNA KARENINA

BOYET

CONGRESSMAN ALFRED VARGAS

JED SALANG

LORNA TOLENTINO

MISIBIS BAY

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with