^

PSN Showbiz

Miss Tourism World Philippines naghahanap ng contestants!

Ramon Bernardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilulunsad ng Miss Tourism World Philippines Beauty Pageant Foundation Inc. ang isang pambansang beauty pageant na tinawag na Miss Tourism World Philippines 2013.

Inorganisa ng MTWP ang beauty pageant na ito bilang tugon sa panawagan ng pamahalaan sa pagtataguyod ng turismo at sining sa mga Pilipino at sa ibang mga bansa.

Layunin nito na ipalaganap at itaguyod ang turismo sa pamamagitan ng pag­sa­samahan ng iba’t ibang lunsod at bayan sa Pilipinas. Itatanghal din dito ang pa­manang-lahi at kultura ng bansa para maipakita sa mga tao ang katangian nito.  Itataguyod pa sa timpalak ang magagandang lugar sa bawat rehiyon. 

Ang mapipiling Miss Tourism World Philippines 2013 ay magiging kinatawan ng Pilipinas  sa Miss Tourism World na idaraos sa Equatorial Guinea, Central Afri­ca sa Oktubre.

Sino mang gustong sumali ay maaaring ala­­min ang deltaye at ku­muha ng form sa tanggapan ng Miss Tourism World Philippines 2013 Beauty Pageant Foundation Inc. sa Unit 209 Centro Plaza Condomi­nium, South Madrinan corner Scout Toril­lio, Barangay South Trian­gle, Quezon City. Maaaring kontakin ang MTWP sa 921-02-93 ang MTWP Directors: Ferdie Nadera, 0915-8012831; Markie delos Santos, 0915-2970297; at Mhere Ignacio, 0912-4232917.

Ang final screening ay sa Mayo 4, 2013 mula ala-1:00 ng ha­pon hanggang alas-6:00 ng gabi. Idaraos ang Miss Tourism World Phi­lip­pines 2013 Pageant Night sa Mayo 17, 2013 sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.

                                                                                    

vuukle comment

BARANGAY SOUTH TRIAN

BEAUTY PAGEANT FOUNDATION INC

CAMP AGUINALDO

CENTRAL AFRI

CENTRO PLAZA CONDOMI

MISS TOURISM WORLD PHILIPPINES

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with