^

PSN Showbiz

Ai-Ai at Jed hindi puwedeng maghiwalay hanggang December

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pinag-uusapan pa rin ang pagpapakasal nina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang sa Las Vegas.

May mga nagtatanong sa akin kung magtatagal ba raw ang pagsasama ng dalawa? Why not? In love na in love sila sa isa’t isa at matured woman na si Ai-Ai dahil sa rami ng mga lesson na natutunan niya tungkol sa pakikipagrelasyon.

At kailangan talaga na magtagal ang relasyon nila dahil may church wedding pa sila sa December 8 ‘no?! Binili na ng ABS-CBN ang rights para sa exclusive coverage ng kanilang church wedding kaya hindi sila puwedeng maghiwalay hanggang December.

Lola ni Marian fan ni Ryzza Mae

Hindi sumasama sa mga taping at shooting ni Marian Rivera ang kanyang lola pero nagulat ang aktres dahil nag-join ang lola niya sa taping ng The Ryzza Mae Show.

Fan pala ni Ryzza Mae Dizon ang lola ni Marian kaya sumama ito sa kanyang apo sa taping ng talk show dahil sa kagustuhan niya na makita sa personal ang bagets.

Siyempre, nagpa-picture ang lola ni Marian kay Ryzza Mae sa kanilang        unang pagkikita para may souvenir siya.

Live na mapapanood ngayon ang The Ryzza Mae Show at si Gladys Reyes.

Bakit si Gladys?  May common denominator kasi sila ni Ryzza dahil sumali rin noon si Gladys sa Little Miss Philippines. Hindi na-getlak ni Gladys ang Little Miss Philippines title pero naging runner up siya.

Mark naging credible ang pagiging bakla

In fairness, puro positive ang feedback na nari­rinig ko mula sa mga nakapanood ng indie film na Coming Soon dahil highly entertaining daw ang pelikula na nagkaroon ng special screening noong Lunes.

Star-studded ang premiere night dahil personal na inimbitahan ng mga producer ang kanilang friends na artista.

Si Atticus King na ex-boyfriend ni Iza Calzado ang date ni Bubbles Paraiso. Hindi lang ako sure kung may relasyon sina Atticus at Bubbles pero nagpang-abot ang tatlo sa premiere screening ng Coming Soon.

Hindi nakarating si Dominic Roco na isa sa mga bida ng pelikula dahil may taping siya para sa Indio. Hindi puwedeng umalis si Dominic sa set ng Indio sa Cavinti, Laguna.

May nagkuwento naman sa akin na winner ang cameo appearance ni Mark Herras sa Coming Soon.

Bading na  parlorista si Mark at napaka-credible raw niya sa karakter na ginampanan.

Huwag n’yo nang itanong sa akin kung sino ang naging peg ni Mark sa kanyang role ‘no!

vuukle comment

AI-AI

BUBBLES PARAISO

COMING SOON

DAHIL

DOMINIC ROCO

GLADYS

LITTLE MISS PHILIPPINES

RYZZA MAE

RYZZA MAE SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with