^

PSN Showbiz

Sen. Bong ngiti lang ang sagot sa tanong kung handa nang maging biyenan ni Jodi; Osang ayaw nang pakialaman ni Grace

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi na sa April 10 ang showing ng My Lady Boss at ia-announce na lang bukas kung kailan na ang bagong playdate. Pero sa H.O.T. TV mamayang hapon ay may kuwento sila tungkol sa lady boss na na-develop sa kanyang driver.

 Bukod pa riyan, may kuwento rin ang H.O.T. TV tungkol sa viral photo ng isang graduate na sa puntod nagpakuha ng litrato.

Ilan lamang ito sa dapat n’yong tutukan sa hindi ordinaryong tsismis show mamayang hapon pagkatapos ng Teen Gen.

PAK: Napapangiti lang si Sen. Bong Revilla, Jr. nang tinanong namin kung handa na ba siyang maging father-in-law ni Jodi Sta. Maria dahil mukhang seryoso na ang relasyon nila ni Jolo Revilla.

“Basta hintayin na lang natin na maging legal na ang lahat. It’s up to them kung anuman ‘yung gusto nilang mangyari sa buhay nila, suportado namin sila. Basta lahat nasa ayos na,” sagot nito sa amin.

All-out kasi ang suporta ni Jodi sa kandidatura ni Jolo na tumatakbong vice governor ng Cavite. Kahit kalaban nito ang dati niyang brother-in-law.

BOOM: Pagkatapos pala ng gulo nina Rosanna Roces at ng anak niyang si Onyok, tumuloy daw ito sa isa pa niyang anak na si Grace Adriano at doon niya isinumbong ang lahat na nangyari.

Pero aminado si Grace na hindi rin niya gusto ang mga ginagawa ngayon ng kanyang ina at meron din siyang sama ng loob. Pero mas gusto ni Grace na manahimik na lang at hayaan na lang kung ano ang gustong gawin ng kanyang ina.

Mas gusto raw ni Grace ng tahimik na rin na buhay dahil ang laki na nang ipinagbago niya pagkatapos niyang magkaroon ng apat na anak.         

Ang panganay ni Grace ay kay Jolo Revilla at proud na proud siya sa pagkukuwento sa aming napakatalino ng kanyang anak at masaya ito sa piling ng kanyang ama.

vuukle comment

BONG REVILLA

BUKOD

GRACE ADRIANO

JODI STA

JOLO REVILLA

MY LADY BOSS

PERO

ROSANNA ROCES

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with