^

PSN Showbiz

TF ng aktres na lilipat ng network hindi totoong sobrang laki

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May rasong mag-deny ang kampo ng aktres na lumipat ng network sa nabalitang talent fee na tatanggapin sa bagong network. Mali ang mga nako-quote na amount. Milyones nga ang talent ng aktres sa panahong may kontrata siya sa bagong network pero OA ang TF na nasulat.

Sa sinabi sa aming bayad na tatanggapin ng aktres for three years ay times four nito ang nabalita.

Ibig sabihin, hindi lang talaga TF ang dahilan kung bakit lumipat ng network ang aktres. Maraming dahilan at isa rito ang projects na kanyang gagawin. Balitang sisimulan agad ang una niyang soap na may mga eksenang kukunan sa ibang bansa. Kapag nabalitaan nating umalis ng bansa ang aktres, taping ang rason at hindi bakasyon.

May kapalit na mas malaking star ang umalis na aktres.

 

Marian gustong isunod sa tradisyon ang puting wedding gown

Sa pagkamatay ni Marcel (Dennis Trillo) at pagpapakasal nina Nigel (Rafael Rosell) at Angeline (Marian Rivera) magtatapos this Friday ang Temptation of Wife. Nabanggit ni Marian na ikinakasal siya sa lahat ng soap niya at nangyari uli rito. Natupad naman ang wish ni Rafael that he’ll get the leading lady in the end para maiba sa past soap niya na hindi sa kanya napupunta ang bidang babae.

Naniniwala si Marian na tatanggapin ng viewers na kay Nigel siya mapupunta para sumaya naman si Angeline. Gusto ni Marian ang wedding gown na ginamit niya sa wedding scene. In real life, ‘pag siya ang ikinasal, gusto niyang siya ang magde-design ng sariling wedding gown at gusto niya ng pure white para sunod sa old tradition nang pagpapakasal.

Marrying age na si Rafael pero wala pang balak mag-asawa lalo’t loveless siya ngayon. Okay sa kanya na sa TV siya ikasal para maka-experience kung paano maging groom.

Lumabas na pala ang April-May issue ng People Asia na si Marian ang cover. Kaiba ito sa mga naunang magasin na cover ang aktres dahil sa balot na balot siya in red flaming dress. Marami pang pictures sa loob ng magasin at maraming revelation ang aktres.

Samantala, may mall show sa April 6 sina Marian at Richard Gutierrez sa Market! Market! sa Taguig City at sa April 7 ay sa SM Fairview. Sa April 9 ang premiere night ng movie bago ang regular showing sa April 10 sa direction ni Jade Castro.

 

Gelli nawalan ng karapatan na magreklamo

Si Amy Perez na uli ang host ng Face to Face na simula sa Lunes, April 8, 4:30 p.m., na mapapanood. Pero patuloy na mapapanood sa TV5 si Gelli de Belen dahil sila ni Ryan Agoncillo ang hosts ng bagong show ng istasyon na Tropang Kulits na isang kiddie gag show.

Mami-miss ni Gelli ang Face to Face, ang staff, at stories na kanyang napakinggan habang siya ang host. Marami raw siyang natutunan sa buhay ng mga tao at nabali ang akala niyang marami na siyang alam sa buhay.

Isa sa natutunan ni Gelli habang nagpi-pinchhit mag-host sa Face to Face, wala siyang karapatang magreklamo dahil ang mga taong lumalapit sa Face to Face ay mas grabe ang problema sa kanya. Memorable naman kay Gelli ang maraming away at sabunutan ng mga guest at ang daming buhok na winawalis after each taping.

“Hindi ko malilimutan ang mga natutunan ko at thankful ako sa mga biyayang dumarating sa akin,” sabi ni Gelli.

vuukle comment

AKTRES

DENNIS TRILLO

FACE

GELLI

JADE CASTRO

MARAMI

MARIAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with