^

PSN Showbiz

Jane Oineza, kalaban ni Julia Stiles sa New York festival

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang karangalan para sa Star Magic aktres na si Jane Oineza na maging nominado sa prestisyosong New York Festival na nagbibigay parangal sa mahigit na limampung bansa worldwide.

“Sobrang happy po ako at hindi ako makapaniwala na nominee ako sa New York Festival. Ito na po ang pinaka-malaking achievement ko for 2013,” sabi ni Jane.

Ang kontrobersiyal na episode na Manika ng Maalaala Mo Kaya ang naging daan para mapansin ang galing ni Jane bilang isang lead star. Ginampanan niya ang role na si Nene na ginahasa ng kanyang stepdad sa harap ng kaniyang magulang.

“Marami na po ako nagawa sa MMK pero ito po ‘yung pinaka-challenging role ko bilang bida. Isang karangalan  po na ipinagkatiwala nila sa akin ang episode kaya ibinigay ko po ang best ko,” dagdag pa ni Jane.

Makakalaban ni Jane bilang Best Performance by an Actress ang mga Hollywood stars na si Julia Stiles at Troian Bellisario. Magaganap ang awarding ng New York Festival sa April 9, 2013 sa Las Vegas, USA.

 

vuukle comment

BEST PERFORMANCE

GINAMPANAN

ISANG

JANE OINEZA

JULIA STILES

LAS VEGAS

MAALAALA MO KAYA

NEW YORK FESTIVAL

STAR MAGIC

TROIAN BELLISARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with