^

PSN Showbiz

Ogie umamin, noong isang taon pa nakikipag-usap sa TV5

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagkaroon ng konting tensiyon sa taping ng Celebrity Bluff kamakailan lang dahil magkasabay sa guesting sina Paolo Contis at Gladys Guevarra.

Nung sinabihan naman ang dalawa, wala namang isyu sa kanila at okay naman daw silang magsama sa naturang game show.

Kaya masaya ang larong iyun kung saan kasama rin ni Paolo na naglaro ang ilan pang kapwa da­ting child stars na sina Sunshine Dizon at Manilyn Reynes.

Si Gladys ang bluffer sa episode na iyun na mapapanood na mamayang gabi pagkatapos ng 24 Oras.

PAK: Pumayag si Sheena Halili na gupitan ang buhok niya para sa kanyang role bilang Mayang.

Maikli na ngayon ang kanyang buhok, dahil ginupit na ito nung nakaraang Huwebes.

Ang buhok na nagupit ay idinonate ni Sheena sa isang cancer patient na nakakalbo na dahil sa chemotherapy. Ipinagawang wig iyun para magamit ng naturang pasyente.

BOOM: Hindi itinanggi ni Ogie Alcasid ang napabalitang pinag-uusapan na nila sa TV5 ang posibilidad na paglipat bilang bagong Kapatid talent.

Nakausap namin ito kahapon sa presscon ng Foursome na halos sold-out na raw ang tickets, dahil sa February 14 na ito sa SM-MOA Arena.

Sa June na matatapos ang kanyang kontrata sa GMA 7 at nakipag-usap na raw ang manager niyang si Leo Dominguez sa mga big bosses ng GMA 7 pero napakaaga pa raw para sagutin kung tuloy na ba talaga o hindi.

 â€œAs of this point medyo pre-mature to talk about it. Mas alam ng manager ko po.

 â€œIt’s true we have been talking to TV5 since last year, but as we speak wala pang nalalagdaan or the details of that, mas alam po ng manager ko,” pahayag ng singer/songwriter.

Si Regine Velasquez naman ay sa July na matatapos ang kontrata pero hindi naman daw ibig sabihin na susunod siya kay Ogie kung matutuloy ang paglipat.

Magkaiba naman daw sila ng desisyon pagdating sa kanilang career.

 

vuukle comment

CELEBRITY BLUFF

GLADYS GUEVARRA

LEO DOMINGUEZ

MANILYN REYNES

OGIE ALCASID

PAOLO CONTIS

SA JUNE

SHEENA HALILI

SI GLADYS

SI REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with