^

PSN Showbiz

‘Magmula po sa hinlalaki hanggang sa aking ulo ako po’y lalaki’ Robin aminadong nag-iinit kay Kris!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kagabi ay nagsimula na sa Primetime Bida ang teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw. Pinagbibidahan ang nasabing proyekto nina Kris Aquino, Anne Curtis, at Robin Padilla. Ayon kay Robin, nadala raw siya sa mga intimate na eksena nila ni Kris.

“Sa mga eksenang romantic kailangang titingnan ko siya sa mata kasi roon ako humuhugot eh. ’Di naman ako puwedeng umarte, paumanhin ’yan sa lahat. Ako po’y hindi sinungaling na tao, at lalong hindi ako bolero. Hindi ko sasabihing wala akong nararamdaman dahil magmula po sa hinlalaki hanggang sa aking ulo ako po’y lalaki, at sa mga eksenang mainit eh talagang mainit,” nakangiting pahayag ni Robin.

Para naman kay Kris ay nagiging propesyonal lamang sila ni Robin sa kanilang mga trabaho.

“I think for me and for Robin what sets us apart on set, we feel our characters but we’re old enough and professional enough to know that as soon as we leave the set, we have different lives pero on the set we are Roxanne (karakter ni Kris) and Boggs (karakter ni Robin). We are in love,” pahayag naman ni Kris.

Vice Ganda tanggap na ang pagkatalo ng Praybeyt Benjamin

Pinangarap daw ng magkaibigang sina Vice Ganda at Kris Aquino na magkaroon ng sari­ling sitcom sa telebisyon. Na-enjoy daw kasi ang dalawa sa pagpapatawa sa pelikula nilang Sisterakas. Kamakailan ay nagbago na raw ang isip ni Vice tungkol dito.

“Hindi na. Nagbago na ang isip ko. Bago siya (Kris) pumunta ng America ang sabi ko ay cute na magka-sitcom, ano ba ’yung peg natin, Two Broke Girls or Will and Grace? Na-realize ko na hindi ako magsi-sitcom para aabangan nila ’yung movie ko. Siguro kapag nasa TV, mas gusto lang nila na nagho-host ako, nagpapatawa na talak nang talak lang ’tapos iba ’yung ginagawa sa movie baka hindi nila panoorin,” paliwanag ni Vice.

Samantala, hinirang din ang Sisterakas bilang highest grossing Filipino movie of all time at tinalo na nito ang Praybeyt Benjamin na pelikula rin ng komed­yante. Kung noon ay ayaw ni Vice na matalo ang Praybeyt Benjamin, ngayon ay natanggap na ito ng komedyante.

“Gusto ko Benjamin pa rin kasi baby ko ’yun eh pero kung natalo okay na okay lang sa akin at least kami pa rin, pelikula ko pa rin,” dagdag pa ni Vice.

Ayaw din ng komedyante na magkaroon pa ng part two ang Sisterakas dahil sa ilang mga bagay.

“Hindi na kasi ayaw niya (Kris). Part two kung magsasama-sama na kami, ibang material na para hindi paulit-ulit eh. ’Yun ’yung napatunayan namin dito eh. Ayaw ng Pilipino na paulit-ulit,” giit pa ni Vice. Reports from JAMES C. CANTOS

                      

 

vuukle comment

AKO

ANNE CURTIS

KRIS

KRIS AQUINO

PRAYBEYT BENJAMIN

SISTERAKAS

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with