^

PSN Showbiz

Almira Muhlach ayaw nang alalahanin ang ex na si Bong Alvarez na nasa rehab!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Dagsa ang Kapuso stars sa Cebu ngayong weekend dahil sa selebrasyon ng Sinulog. Isa sa mga inaabangan doon ay si Sen. Bong Revilla, Jr. dahil sa bagong series niyang Indio. Pero curious ang mga Cebuano sa bagets na si Vincent Magbanua na siyang gumanap na batang Indio.

Lalong tumataas ang rating ng naturang serye kaya excited na si Sen. Bong sa kanyang pagpasok.

PAK: Ramdam ang sarcasm sa mga pahayag ng isang aktres nang sinabi niyang paboritung-paborito siya ng isa sa mga top executive ng malaking film outfit na kumuha sa kanyang magbida sa isang box-office hit na pelikula.

Sa totoo lang kasi pinag-uusapan doon na ang totoong pinakapaborito nitong top executive ay ang isang aktres na nakasama rin sa pelikulang iyon. Napabalita pang hindi sila okay ng aktres na sarcastic.

BOOM: Hindi na nagbigay ng impormasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung nasa rehab pa rin ba ang dating basketbolistang si Bong Alvarez.

Nakausap namin ang dati nitong asawang si Almira Muhlach at wala na rin siyang balita dahil hindi naman niya dinalaw ang mister nung nahuli ito sa kasong droga.

Ang mga anak nila ang dumadalaw pero sa ngayon ay wala na silang balita.

“Siyempre gusto ko ’yung kids ko nariyan at naka-support sa kanya pero ako, parang ganito na lang muna. It’s better like this,” pahayag ng aktres.

Magda-dalawang taon na palang nakipaghiwalay si Almira kay Bong at ang tumatayong lalaki sa kanilang bahay ay ang ama ng dating aktres.

Ang huling balita namin, anim na buwang isasailalim sa rehab ang dating basketbolista.

 

vuukle comment

ALMIRA

ALMIRA MUHLACH

BONG ALVAREZ

BONG REVILLA

CEBU

CEBUANO

DAGSA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INDIO

VINCENT MAGBANUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with