^

PSN Showbiz

Coco naudlot sa mga beterana pero tuloy na tuloy kay Sarah

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Si Sarah Geronimo, makakapareha si Coco Martin? Hindi masama and something to watch for ito. Kung hindi matuloy si Coco sa senior actresses na isina-suggest sa kanya, baka sa mga bagets ay matuloy siya!

Simulan na agad ’yung kay Sarah, kaya lang pag-isipan n’yo sila ng magandang istorya para hindi masayang ’yung pagpapareha nila. Okay?

Kim Chiu ngayon lang naka-move on

Mukhang naka-move on na talaga si Kim Chiu kay Gerald Anderson. Nasabi nito na handa na siyang makipagrelasyon ngayon. Kung kay Xian Lim ito o hindi, wala na tayong pakialam. Basta maging maligaya na lang tayo para sa kanya. Hindi rin biro ’yung pinagdaanan niya bago siya nakabawi.

It’s about time that she found the man of her dreams.

Gov. Vilma tatapatan ang Bona ni Ate Guy

Kung Bona si Nora Aunor dati, Extra naman ngayon si Gov. Vilma Santos. Sana ang pelikula ay makapagbigay sa masipag na gobernadora ng kanyang minimithing fulfillment. Isa itong indie film na alam naman nating kapos sa budget pero with Atty. Joji Alonzo as producer, siguradong maganda ito.

Wala naman yatang ginawang pelikula na hindi pinuri ang magaling na abogada at movie producer.

Sosy stars ng GMA may ibubuga

In fairness, kakatuwa ’yung pelikulang Sosy Problems. Hindi man maka-relate ang marami dahil marami sa mga nanonood nito ay hindi naman talaga mayaman pero gusto lang ma-feel na maging mayaman at maging kikay na tulad ng apat na babaeng gumaganap na bida sa pelikula —Heart Evangelista, Solenn Heussaff, Bianca King, at Rhian Ramos.

In fairness ulit, magagaling ang apat, pati ang baguhang nag-aartistang si Solenn ay umaarangkada na rin at pasadung-pasado siya.

vuukle comment

ATE GUY

BIANCA KING

COCO MARTIN

GERALD ANDERSON

HEART EVANGELISTA

JOJI ALONZO

KIM CHIU

KUNG BONA

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with