^

PSN Showbiz

Aktor na kilalang madaling ma-in love sa kapareha, bagong biktima ang aktres na kasama sa maiinit na eksena

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Masaya na si Sen. Bong Revilla, Jr. sa box-office result ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote, at Si Ako na pumangalawa sa box office. Kung ano ang record nang pelikulang unang pinagsamahan nila ni Vic Sotto ay ganun din ngayon kaya masaya na sila at maganda ang kinalabasan nito.

Lalong tumaas ang kinita nito nung nakaraang weekend, kaya masaya na sila sa resulta ng naturang pelikula.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Sen. Bong kung ano ang isasali niya sa susunod na filmfest.

Gusto na niyang mag-focus ngayon sa nalalapit na pagsisimula ng pinakamalaking epic-serye ng GMA 7 na Indio.

Magsisimula na ito sa Jan. 14, at excited si Sen. Bong dahil tinitiyak niyang magugustuhan ito ng mga manonood.

PAK: Totoo kayang nagkakadebelopan na ang dalawang stars ng isang drama series na kasalukuyang napapanood sa primetime?

Si aktor ay kilalang madaling ma-in love sa mga leading lady niya, at si aktres naman, ay matagal nang walang boyfriend kaya open siya sa bagong relasyon.

Maaaring nagsimula sa tuksuhan dahil sa mga nakakatuksong eksenang ginagawa nila kaya puwedeng nagkadebelopan. Alam na raw ng ibang staff ng naturang serye pero tahimik lang sila.

Tinanong ng kakilala namin si aktres kung totoo nga ito, mabilis niyang itinanggi. Si aktor naman ay napakatahimik kaya wala ka talagang makukuhang sagot mula sa kanya.

Abangan na lang natin bago matapos ang ser­yeng ito dahil tiyak na lalabas din naman ang totoo.

BOOM: Nag-react ang karamihang Donyana­tics sa inilabas namin ng isyung­ inaaway nila si Lorna­ Tolentino dahil sa magandang chemistry nila ni Dingdong Dantes sa Pahiram ng Sandali.

Sabi ng ilang supporters nina Dingdong at Marian­ Rivera, tumutulong pa nga sila sa pag-promote nito.

Maaaring poser lang itong nang-aaway kay Lorna para masiraan lang si Marian.

Nang nakausap ng Startalk si Dingdong, sinabi niyang nababasa nga niya sa ilang social network sites ang reaksiyon ng mga tagahanga niya. Pero alam daw niyang maiintindihan naman nilang trabaho lang ito.

Hindi pa nila napag-usapan ito ni Lorna pero alam naman nilang dalawa na trabaho lang ang ginagawa nila sa Pahiram ng Sandali.

Wala naman daw reaksiyon si Marian sa mga nakakakilig na eksena nila ni Lorna dahil hindi pa niya napapanood. Pagdating naman sa trabaho nila ay hindi sila nakikialam sa isa’t isa.

 

vuukle comment

BONG REVILLA

DINGDONG DANTES

LORNA

MAAARING

NAMAN

NILA

PAHIRAM

SANDALI

SI AGIMAT

SI AKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with