^

PSN Showbiz

Sexbomb member na si Aifa ganap nang ina!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Live na magko-cover ang HOT TV ng parada ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na hudyat nang pagbubukas ng taunang filmfest.

Siyempre tututukan ang pinaghandaang karosa ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako at ang mga sosing bida ng Sosy Problems.

Sasagutin ng mga bida ng Sosy Problems kung dumaan nga ba sa sosing problema ang kanilang pelikula.

Bukod sa parada na tututukan ng HOT TV, meron din silang special feature sa Miss Universe first runner-up Janine Tugonon na may pinauso namang Cobra Walk.

PAK: Puwede nang putungan ng koronang Mall Show Princess itong bagong child wonder ng Eat Bulaga na si Ryzza Mae Dizon. 

Ang pelikula niyang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako ang umaariba sa kamu-mall show at laging kasali si Ryzza Mae dahil siya ang isa sa inaabangan ng mga tao.

Kapag si Ryzza Mae na ang nasa stage, lalong napuno ang venue at talagang pinagkaguluhan siya ng mga manonood lalo na ang mga bata.

Kayang-kaya ni Ryzza Mae magpatakbo ng show ng mahigit 30 minutes na mag-isa lang siya.

At kapag alam ng mga staff na nandun ang bagets, nagbababaan silang lahat pa­ra magpa-picture sa kanya.

Ang sikreto lang para laging may ener­gy ito sa pag-perform ay huwag lang siyang gutumin.

Ang paborito niyang kainin sa mall show ay ginataang isda.

BOOM: Nanganak na pala kamakailan lang ang isang miyembro ng Sexbomb dancers na si Aifa Medina.

Isang malusog na baby girl ang iniluwal ng dancer via caesarian. Hindi pa muna siya nakapanayam dahil ipinagbawal pa ng ospital na makunan siya ng TV camera.

Nangako si Aifa na magsasalita rin siya tungkol sa kanyang pagbubuntis at kung ano ang plano pagkatapos niyang manganak. Isang mayamang businessman ang nakabuntis sa kanya.

vuukle comment

AIFA MEDINA

COBRA WALK

EAT BULAGA

ISANG

JANINE TUGONON

MALL SHOW PRINCESS

RYZZA MAE

SI AGIMAT

SI ENTENG KABISOTE

SOSY PROBLEMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with