^

PSN Showbiz

Annulment ni Jodi, ayos na! Jolo at Jodi nagpaalam na para magpakasal!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamayang gabi na ang premiere night ng El Presidente ni Gov. ER Ejercito at excited siya sa magiging reaksiyon ng mga manonood dahil alam niyang magugustuhan ito ng lahat dahil talagang well-researched ang kuwento na tumatalakay sa buhay ni Gen. Emilio Aguinaldo.

Mahaba  ang screening time - mahigit dalawang oras ang kabuuan nito pero tinitiyak ni Gov. ER na hindi maiinip ang mga manonood. Mahuhusgahan ’yan mamaya sa premiere night nito na gaganapin sa Premiere cinema ng SM Mall of Asia ng 7:00 p.m.

Kasabay naman nito ang premiere night ng The Strangers ng Quantum Films na gaganapin sa Cinema 8 ng SM Megamall.

Dito rin huhusgahan si Direk Lawrence Fajardo kung tatanggapin ang obra niya sa mainstream. 

Sabi nga ni Atty. Joji Alonzo, ibang klase ang style ni Direk Lawrence sa pagdidirek na napatunayan naman sa mga nagawa niyang indie film. Masusubukan ito sa mainstream at kung kakaibang horror ba ang mapapanood sa The Strangers.

PAK: Naikuwento ng isang kaibigan na may hawak na baguhang aktor na nag-guest sa isang weekly program na kung saan tampok din sa episode na iyon ang isang maganda at kilalang young actress.

Nakakarating kasi sa amin na medyo may kakaibang landi itong si young actress at ang daming mga guwapong young actor ding na-link sa kanya.

Kuwento nitong baguhang aktor na alaga ng aming kaibigan, nakatulog siya sa isang malapad na sofa dahil inabot sila ng umaga sa taping.

Nang nagising na ito, ang laking gulat niya nang katabi na nito si young actress na natutulog din.

Marami naman daw lugar na puwedeng pagtulugan, bakit doon ito pumuwesto sa tabi mismo ni baguhang aktor?

Guwapo at hunk kasi ang dating nitong baguhang aktor at parang kamukha ang isang hunk actor na na-link kay young actress. 

Hindi kaya na-attract si young actress sa kanya kaya roon talaga siya tumabi na matulog?

Tinabihan lang naman daw sa pagtulog, bukod doon ay wala na. Huwag na raw lagyan ng malisya.

BOOM: Seryoso na nga ang relasyong Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria at ang latest na nakarating sa amin ay nagpapaalam na sila kina Sen. Bong Revilla, Jr. at Cong. Lani Mercado  tungkol sa kasal. Pero hindi naman ito kinumpirma ng mag-asawa na may ganung nangyari.

Sabi naman ni Jolo, lahat naman ng relasyon ay seryoso siya pero itong kay Jodi ay sinasabi niyang nakikita niya sa aktres ang ilang katangian ng mama niya. 

Masasabing si Jodi na nga ba ang babaeng ipapakilala niya sa Cavite? “Masyado pang maaga pero hindi ko naman po itatago ’yan. Ipapaalam ko naman sa lahat, basta masaya kami,” nakangiting pahayag ni Jolo.

May balitang hinihintay na lang na maayos ang annulment ni Jodi kay Pampi Lacson, bago nila planuhin ang kasal.

Ang pagkakaalam naman namin, naayos na ang annulment pero tahimik lang muna sila ngayon dahil ayaw naman nilang gawing isyu pa.

Hintayin na lang siguro natin ang kumpirmasyon mismo mula kay Jodi.

vuukle comment

BONG REVILLA

DIREK LAWRENCE

DIREK LAWRENCE FAJARDO

EL PRESIDENTE

EMILIO AGUINALDO

JODI

JODI STA

JOJI ALONZO

JOLO

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with