^

PSN Showbiz

Rocco Nacino nag-peace be with you sa isang aktres pero sa labi humalik! Pauleen binabawalang magpa-sexy ni Vic!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Natawa si Pauleen Luna sa intrigang hindi raw gusto ni Vic Sotto ang role na ginagawa niya sa Magdalena. Medyo daring ang role at nagri-react si Bossing Vic.

Sabi ni Pauleen, hindi naman nangingialam sa career niya at bakit naman? Ang alam niyang ayaw o medyo kontra sa ginagawa niya sa Magdalena ay ang daddy niya. Kaya hindi raw niya alam kung pinapanood ito ng ama niya.

“Pero gusto ko kasi ang ginagawa ko. Part naman iyon sa pagiging aktres, na subukan mo ang iba’t ibang role,” pahayag ng young actress.

Hindi nagkomento si Pauleen sa huling interview ni Bossing Vic na parang inamin na ring sila na ngang dalawa, at wala naman silang itinatago.

Nandun siya nung ini-interview si Vic pero lumayo si Pauleen kaya hindi niya alam kung ano ang mga sinabi nito.

PAK: Namataang magkasama sina James Yap at Isabel Oli sa birthday ni Cathy Valencia nung nakaraang linggo. Pero nagde-deny pa rin silang merong namamagitan sa kanilang dalawa.

Ganun pa rin naman ang deklarasyon nilang dalawa na magkaibigan lang talaga sila.

Mas nagko-concentrate raw ngayon si James sa anak nila ni Kris Aquino na si Bimby. Nagpapasalamat daw siya kay Kris dahil lagi namang pinapahiram sa kanya ang kanilang anak.

BOOM: Totoo kaya itong naririnig naming ang dahilan ng breakup nina Rocco Nacino at Sheena Halili ay ang isang young actress na close naman sa kanilang dalawa?

Parehong tahimik ang dalawa sa isyung ito dahil hindi nga naman sila umamin sa kanilang relasyon.

Itong si young actress ay close lalo kay Sheena pero ito raw ang madalas na dahilan nang pinag-aawayan ng dalawa.

Pero meron pang isang aktres na nali-link din kay Rocco na namataang close na rin sa isa’t isa. 

May nakakita raw sa dalawa na nag-”peace be with you” pero sa labi sila nagkahalikan. 

Dapat sagutin ito ni Rocco dahil ang dami palang girls na nali-link ngayon sa kanya ha?!

 

vuukle comment

BOSSING VIC

CATHY VALENCIA

DALAWA

ISABEL OLI

JAMES YAP

KRIS AQUINO

MAGDALENA

NAMAN

PAULEEN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with