^

PSN Showbiz

Bong at Lani 20 years hindi nagkasama sa pelikula

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magkasama sa Ang Sugo (The Last Messenger) ang mag-asawang sina Senador Bong Revilla at Cong. Lani Mercado bilang mag-asawang sina Kapatid Eduardo at Lyn Manalo. After two decades, ngayon lang uli magsasama sa pelikula ang dalawa at sa big project pa, kaya parehong excited at masaya.

Big challenge kay Lani ang role ni Kapatid Lyn, kailangan niyang pag-aralan para walang mali. Malaking tulong sa kanya at sa buong cast na sa 2013 pa sisimulan ni direk Tikoy Aguiluz ang shooting, may enough time siya para mag-research at ang alam niya, madugo ang wardrobe sa phase ng story nila ni Bong.

Hindi na mahihirapang umarte sina Lani at Bong  at advantage pa na sabay nilang pag-aaralan ang mga karakter na gagampanan sa pelikulang sa  July 2014 pa ang showing.

Samantala, papasok sa Paroa, Mga Kuwento ni Mariposa si Lani. Inaayos na lang ang script at magti-taping na siya.

MAGDALENA BAWAL SA MGA BATA

Tanging ang Magdalena  sa direksiyon ni Gina Alajar ang Afternoon Prime ng GMA 7 ang may SPG ratings na ang ibig sabihin ay Strong Parental Guidance o Striktong Patnubay at Gabay. Tinanong namin ang director kung nakakatulong sa show ang SPG ratings?

“Yes and no ang sagot ko ‘diyan! Yes, kasi strictly adult kami and we don’t need to limit sa tema at sa dialogue na gagamitin. No, naman dahil ‘di nakakapanood ang mga below 13 years old na viewers at fans nina Bela Padilla at Dion Ignacio. Even my apo, Catalina (anak ni Ryan Ei­genmann), hindi mapanood ang dad niya. Sa Biritera, pinanood niya dad niya, pero rito sa Magdalena, bawal siya.”

GLAIZA KITA ANG KAHUSAYAN SA PAGHALIK

Ang husay ni Glaiza de Castro bilang si Heidi sa Temp­tation of Wife  at dito rin sa soap nakitang magaling siyang humalik at makipaghalikan kay Dennis Tril­lo. Aliw ang reaction ng isang viewers na wala raw ginawa ang dalawa kundi maglaplapan.

Ayaw tuloy naming maniwalang hindi naa­­pektuhan si Bianca King sa kissing sce­ne ng BF at ni Glaiza. Filmmaker daw siya at naiintindihan niyang part ng trabaho at karakter ng syota niya ang makipaghali­kan kay Glaiza.

Hanggang Amerika, nakarating na ang hu­say umarte ni Glaiza, maraming Pinoy sa Los Angeles, California ang gusto siyang ma­kita in person. Kinuha ang aktres sa isang show kasama sina Dennis at Aljur Abrenica.

Anyway, si Glaiza pala ang kumanta sa music video nina Cong. Arthur Robes at Rida Robes ng City of San Jose Del Monte. Hawak-Kamay ang song sa music video na patutugtugin sa event ng mag-asawa na sisimulan sa Caravan of Ser­vices sa December 3, sa isang Kasalan ng Bayan.

JULIE ANNE AYAW KASAMA SI LAUREN YOUNG

Itinanggi ni Julie Anne San Jose ang tsikang nag-walkout siya sa workshop ng GMA Artist Center dahil kasama sa workshop si Lauren Young na Kapuso talent na. “It’s not true” ang sabi ni Julie Anne at hindi raw workshop ‘yun, 15 minutes lang tumagal at pagkatapos, umalis na siya at hindi lang siya ang umalis.

Nabanggit na dati ni Julie Anne na okey sa kanya kung kasama na niya sa GMA si Lauren Young na GF daw ni Elmo Magalona, lalo na ngayon na tila nabubuwag na ang Julie Anne-Elmo love team. Nababasa namin ang tweet ni direk Mark Reyes na pagdating sa love team ng dalawa, sina Julie at Elmo ang magsasabi kung itutuloy pa o hindi.

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ALJUR ABRENICA

ANG SUGO

ARTHUR ROBES

ARTIST CENTER

GLAIZA

JULIE ANNE

LANI

LAUREN YOUNG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with