^

PSN Showbiz

Jose at Wally parang reincarnation nina Dolphy at Panchito

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang wala nang makakapigil pa sa pagsikat nina Jose Manalo at Wally Bayola. Hindi lamang sa concert scene sila arangkada, pati rin sa TV at pelikula. Ang maganda sa tandem na ito ay talagang mga komedyante sila, nakakatawa sila.

At kumakanta rin sila ha? Hindi sila nagpipilit, talagang may boses sila. At kahit ngayong dinudumog, tinitilian, at pi­nagkakaguluhan sila ay patuloy pa rin ang suporta sa kanila ng mga ka­sa­ma­han nila sa Eat Bulaga. Parang reincarnation sila nina Dolphy at Panchito, Pugo at Tugo, at Joey de Leon at Rene Requiestas. Huwag lamang umangat ang mga paa nila sa lupa at tuluy-tuloy na ang pagtaas nila.

Regine nagpakapagod lang

’Di lang naman fans ni Regine Velasquez ang disappointed sa naging concert. Considering na matagal ding ab­sent ang singer sa concert scene, ang expectation ng lahat ay isang bong­gang palabas. Pero pumiyuk-piyok lang si Songbird.

Ang ikinatutuwa ko lang, they all sym­pathized with her. Hindi sila nagalit, bagkus naawa sila dahil nakita naman nila na talagang pinilit ni Regine na a­yu­sin ang lahat but it was beyond her control.

Pahinga ka muna, Regine. Pinagod mo lang ng husto ang sarili mo. Bawi tayo next time.

Zanjoe never pang napagdudahang may bahid ng kabaklaan

Dahil bakla ang role ni Zanjoe Marudo sa anniversary movie ng Star Magic, takot ang fans niya na baka pagdudahan na rin ang kasarian niya. 

Ano ba ’yun? Ganun ba ’yun? ’Pag bakla ang role, bakla na rin? Give Zanjoe the benefit of the doubt. After all, never siyang napagdudahan na girlie. At siya mismo, never nag-doubt dito. Kayo pa ba?                                         

 

vuukle comment

EAT BULAGA

GIVE ZANJOE

JOSE MANALO

REGINE VELASQUEZ

RENE REQUIESTAS

SHY

SILA

STAR MAGIC

WALLY BAYOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with