^

PSN Showbiz

Graduate ng La Salle dineklarang bagong sex goddess

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

May bagong sex goddess na nga ang showbiz. Si Yam Concepcion.

Wala siyang takot na naghubad as in completely naked sa October issue ng FHM na bumenta ng husto.

Kaya after ng mag cover, heto at sa pelikula naman siya naghubad.

Sinasabi nila ngayong ‘sexy movies are back’ at si Yam ang nangunguna na gawin ito.

This month mapapanood na ang pelikulang ginawa niya, isang steamy erotic adult drama entitled Rigodon na ang nagdirek ay ang beterano nang si Erik Matti (Scorpio Nights 2 and Balahibong Pusa, among others) kung saan nakilala si Joyce Jimenez.

Pero sinabi naman ni Yam na hindi lang din naman puro paghuhubad ang ginawa niya rito. Umarte rin naman siya.

 “I want to be known as someone who takes off clothes but can act,” she says.

Ang nasabing pelikula at ang pagko-cover sa FHM ay kasama sa mga plano ng Viva, ang kanyang mother studio, na iposisyon siya bilang premiere sex symbol ng generation ngayon.

Nauna na siyang isinabak ng Viva sa Pantaxa, isang sexy reality TV show sa Viva cable channel kung saan Yam emerged na pinaka-bongga sa anim na kasaling newcomers. Nakita nila na hindi lang sa paseksihan may ibubuga ang baguhang pa­laban kundi naipakita rin niya ang pagiging smart at creative.

“I’m a person who likes to challenge myself when pushed to the limit,” Yam says in the FHM interview. “That’s how you test yourself, see how you deal with everything that comes your way. I’m just trying to be strong and versatile. I’m risking it all, that’s how life is - you have to risk it and go out of your comfort zone, try different things and learn from it.”

Kung sabagay, hindi siya basta-basta. Graduate siya ng multimedia arts from the College of De La Salle St. Benilde at halos nakakadalawang taon na siya sa showbiz.

She actually started as a drummer for a rock band (called Ursa Minor). Hanggang nadiskubre ng Viva nang makita sa music video ng bandang Mayonnaise. Ngayon ay nakakontrata nga siya sa nasabing kumpanya.

Co-starring with Yam sa Rigodon are John James Uy and Max Eigenmann under Viva Films and Reality Films.

Rigodon opens in cinemas on Nov. 21 while Pantaxa con­tinues to air with two fresh episodes every week on Viva Channel.

NAY 1-1 BABANGGA KAY KRIS

Mahirap maging mommy at maraming ‘bumibigay’ as in nauubusan ng pasensiya.

Kaya naman naisip ng GMA na gawin ang Nay 1-1, a 30-minute morning show that puts celebrity and accomplished moms Gladys Reyes and Jaya into an important mission, to keep wives and mothers from losing their sanity sa pagtulong nilang lumutas ng problema at home by giving them tips, advice, and give time for fun and enjoyment.

Kaya naman maligaya si Gladys baka sa programang ito ay tuluyan nang mabura ang image niyang kontrabida na hindi na halos mawala-wala sa tingin ng mga tao na nagsimula sa Mara Clara noong-noon pa nila ni Judy Ann Santos.

“Also, it’s with a deep happiness that I will be sharing my knowledge and tips bilang isang nanay sa mga manonood,” sabi niya.

Si Jaya naman ay hindi na lang basta kakanta.

Say niya, “Every Sunday napapanood ako ng mga viewer sa Party Pilipinas singing. But with Nay 1-1, they’ll be able to see how I am as a mom.”

Mapapanood ito simula ngayong araw, from Monday to Friday, after Unang Hirit. Babangga sila kay Kris Aquino.

DURA-DURA GANG INAATAKE ANG MGA SUMASAKAY SA JEEP

Bukod sa barya-barya gang, meron na rin pala ngayong dura-dura gang.

Eoww! Super kadiri. Yup, as in duduraan ka ’pag nasa jeep sabay kuha ng cell phone o kung anuman ang puwede nilang manakaw sa ’yo.

Nabiktima nito ang anak ng kaopisina kong si Ms. Beth Meraña, PSN sports editor.

Pagsakay daw sa jeep ng anak niyang dalaga, meron ding sumakay na mga mama. At hindi pa natatagalan ay bigla nitong dinuraan ang anak niya sa buhok. Pagkadura, kunwari raw tutulong ang mga walanghiyang kasakay at kunu-kunong magbibigay pa ng tissue. ’Yun pala, ’yung isang kasama nila, habang abala ang biktima sa pagpupunas ng kadiri nilang spit, kinukuha na ang cell phone ng anak niya na nasa bulsa.

Ayun pagbababa ng jeep, dinuraan na nga, natangay pa ang cell phone ng kawawang dalaginding. Bumalik na lang sa bahay nila ang biktima dahil sa pandidiri sa ginawa ng mga mamang wala nang maisip na ibang hanapbuhay.

So ingat-ingat ang mga madalas sumakay sa jeep. Paano na lang kung may nakakahawang sakit ang nag-spit sa ‘yo? Mahahawa pa ang biniktima nila.

Grabe, kung anu-ano na lang naiisip ng mga tao!

 

vuukle comment

BALAHIBONG PUSA

COLLEGE OF DE LA SALLE ST. BENILDE

ERIK MATTI

EVERY SUNDAY

GLADYS REYES AND JAYA

JOHN JAMES UY AND MAX EIGENMANN

JOYCE JIMENEZ

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with