^

PSN Showbiz

Mall tour ng Yume-I, inaabangan ng fans

- The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Magkakaroon ng mall tour ang bagong Boy Band na Yume-I na napagkakamalang mga Koreano  ngayong Sabado, October 13, 2012.

Gagawin ito sa  Circle C Center at 5:00 pm sa may Mindanao Avenue.

Magsisilbi itong mall tour launching na matagal nang hinihintay ng grupong Yume-I, na unti-unti nang humahatak ng kanilang mga followers. Ang grupong Yume-I ay  kinabibilangan nina Shane Cote, Kelly Tan, Zai Rubis, Ej Chen, at Jeff Ching.

Nag-guest na rin ang Yume-I sa Master Showman ni Kuya Germs, Resort World na kung saan nagpamalas sila ng kanilang mga awiting nagustuhan naman ng mga manonood.  Nag-guest din sila sa Makati Square’s Got Talent, nag-show na rin sila sa The Sitcom at The Library na kung saan ay duon sila pinagkaguluhan.

Ang Yume-I ay under Talent Circle Events Production na pag-aari ng kanilang Manager na si Ms. Angel A. na malaki ang tiwala sa nasabing grupo, kaya naman 100% ang suporta niya rito.

Sa darating na October 26, 2012, magpe-perform ang Yume-I sa OKTOBERFEST ng AB Dynamics Group Organizer Co. Kasama ng Yume-I ang 26 na banda na magbibigay saya sa araw na iyon at sa Sunvar Car Park Makati Square n’yo mapapanood ang nasabing grupo.

Tinatapos na rin ng Yume-I ang kanilang CD Album na may titulong YUME-I at ang carrier single nito ay ang Aking Hiling, na malapit n’yo ng mabili sa mga record bar.

vuukle comment

AKING HILING

ANG YUME-I

BOY BAND

CIRCLE C CENTER

DYNAMICS GROUP ORGANIZER CO

EJ CHEN

GOT TALENT

JEFF CHING

YUME

YUME-I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with